“Something fishy” at “may big fish behind” ang interpretasyon ng ilang followers ni Rhian Ramos sa social media platform na X (dating Twitter) dahil sa fish emojis post ng Kapuso actress noong Linggo, Pebrero 1, 2026.
Ang fish emojis na ibinahagi ni Rhian sa X account nito ang kauna-unahang social media post niya matapos siyang paratangan ng torture at serious illegal detention ng kanyang driver at personal assistant na si Bonifacio Baro.
Kasama si Rhian at ang mga kaibigan nitong sina Michelle Dee at Samantha Panlilio sa mga inireklamo ni Baro sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ito ay sa diumano’y pambubugbog at pagkukulong sa kanya sa insidenteng nangyari sa condominium building sa Makati City na tinitirhan nina Rhian at Michelle noong Enero 17, 2026.
Read: Rhian at Michelle, inireklamo ng torture at illegal detention

WIL DASOVICH BEING LINKED TO RHIAN RAMOS
Nagsanga-sanga na ang isyu dahil nadamay na rin ang content creator na si Wil Dasovich na napapabalitang bagong karelasyon ni Rhian matapos nitong makipaghiwalay sa negosyante na si Sam Verzosa.
Sa ulat ng news anchor na si Pinky Webb sa Agenda News noong Biyernes, Enero 30, tinalakay niya ang pagkakaugnay nina Rhian at Wil.
Read: Sam Verzosa, Wil Dasovich dawit sa isyu ng driver ni Rhian Ramos
Bahagi ng report ni Pinky: “Kontrobersiyal na rin ang lovelife ni Rhian Ramos.
"Dati nang napabalitang hiwalay na sila ni bilyonaryo businessman Sam Verzosa at ngayon, nali-link na si Ramos kay content creator Wil Dasovich.”
Binanggit ni Pinky na, ayon sa kanilang source: “Spotted together ang dalawa sa ilang after parties. The trail often ended daw sa Makati condo nina Ramos at Michelle Dee.
“Nangyari ang mga ito habang nagwa-wind down pa lang umano ang relasyon ni Ramos kay Verzosa.
"Wala rin umanong sariling kotse si Dasovich at dumedepende lang sa ride-hailing app at sa personal van ni Ramos.
"Wala pang reaksiyon ang mga partido sa mga alegasyon."
Lumitaw ang pangalan ni Dasovich dahil sa eksklusibong panayam ng PEP kay Volunteers Against Crime and Corruption President Arsenio “Boy" Evangelista noong Huwebes, Enero 29.
Ang VACC ang tumutulong kay Baro sa mga reklamo nito laban kina Rhian, Michelle, at Samantha.
Diumano, nagalit si Rhian dahil sa paratang na ang driver niya ang nagbibigay kay Sam ng mga impormasyon tungkol sa kanya mula nang maghiwalay sila ng TV host-businessman bago matapos ang 2025.
Lahad ni Evangelista patungkol kay Baro: “Nakakausap daw siya ni Sam Verzosa. Mabait daw yung Sam.
"Umiiyak, sabi niya [kay Baro], ‘Sana alagaan mo ang ate mo. Mapagsabihan mo.’
“Hiniwalayan kasi siya [Sam] kaya iyak nang iyak. Umiiyak daw si Sam. Mabait daw.
"Tinanong ko, 'Si Sam ba, hindi kasama [sa pambubugbog]?' Hindi raw.”
Sinabi rin ni Evangelista sa Cabinet Files na, diumano, isang "vlogger na parang nagkasakit" ang napapabalitang kapalit ni Sam sa puso ni Rhian.
Tumutugma kay Wil ang kanyang pagsasalarawan.
Related Stories:
- Rhian Ramos at Sam Verzosa, break na?
- Rhian Ramos at Sam Verzosa in-unfollow ang isa't isa sa Instagram
- Rhian Ramos, in-unfollow rin ang circle of friends nila ni Sam?
- Michelle Dee, sinampahan ng qualified theft ang driver ni Rhian
- VACC, suportado ang driver na inireklamo sina Rhian, Michelle, Samantha
- Michelle Dee camp says she was in Iloilo during alleged torture
- Samantha Panlilio camp refutes allegations of Rhian's driver
- Melanie Marquez: "Blackmail" ang motibo ng driver ni Rhian Ramos
- Netizens compare Vhong Navarro case to Michelle, Rhian complaints