Kinumpirma ni Kim Molina ang nakatakda na pagpapakasal nila ni Jerald Napoles sa March 2026.
Hindi sinabi ni Kim ang eksaktong petsa ng kanilang pag-iisang dibdib, pero may mga haka-haka na maaaring maganap ang kasal nila sa ika-43 na kaarawan ni Jerald sa Marso 2.
Read: Kim Molina-Jerald Napoles: Living together in separate rooms
Ibinahagi ni Kim ang ilang detalye tungkol sa nalalapit na kasal nila ni Jerald na mangyayari sa ibang lugar sa Pilipinas at hindi sa Metro Manila.
"Next month na po, sa March. Hindi po siya sa Manila," pahayag ni Kim sa panayam sa kanya sa media conference ng Wonderful Nightmare, na naganap ngayong Martes, Pebrero 3, 2026, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Limitado ang mga impormasyong sinabi ni Kim sa miyembro ng media tungkol sa altar date nila ni Jerald, dahil sa nangyari sa marriage proposal ng boyfriend niya noong Agosto 2024.
"Ako po ang nag-decide nito. Tinanong din ako ni Jerald. Nung kasing proposal ni Je, nagulat ako dahil naunang nalaman ng mga tao bago ko i-post kasi na-post agad yung full speech ni Jerald.
"So I think itong wedding na ito, sa amin na po muna siya. But of course, ise-share po naman namin on the day," saad ni Kim.
Kiumpirma niya na ang fashion designer na si Mak Tumang ang gagawa ng wedding gown niya.
"Ah yes, Mak will be creating my dream gown. Artista Manalo, hindi Ahtisa Manalo," natatawang hirit ni Kim.
Read: Mon Confiado, 17 years nakarelasyon si Ynez Veneracion noon
KIM MOLINA ON WONDERFUL NIGHTMARE
Ang Wonderful Nightmare ang huling pelikula nina Kim at Jerald bilang mga dalaga at binata dahil ikakasal na nga sila sa Marso 2026.
Ikinuwento ni Kim na nakaramdam ito ng kaba nang malaman niya na siya ang magbibida sa Philippine adaptation ng nabanggit na South Korean movie.
"When I found out I am doing Wonderful Nightmare, kinabahan na ako kasi this is my first adaptation. So kinakabahan ako, pangarap ko po na magkaroon ng adaptation," lahad ng aktres.
"Ang nangyayari, palagi kong ka-text si Boss Vic. Tatawagan ko siya, ‘Boss, kaya ko na ba ito?’ Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan.’
"Aral lang ako nang aral ng script and there are certain emotions that I wanted to know, kung makukuha ko."
Ang tinukoy niyang Boss Vic ay si Vic del Rosario, founder ng Viva Entertainment.
Read: Emilienne Vigier speaks about relationship with Joshua Garcia
CHALLENGE IN THE MAKING OF THE FILM
Roller-coaster of emotions ang dinanas ni Kim habang ginagawa ang pelikula dahil sa mga dinanas niya on and off cam.
"Sa buhay kasi natin, may times na hindi natin alam ang mangyayari.
"While shooting this film, someone dear to my heart passed away, it’s my grandfather.
"Nagkataon na I had to shoot this scene na first time nangyari. Sina Direk, they had to go to me kasi hindi ko ma-stop. I can’t stop my emotions."
Dagdag ni Kim: "Yung halo-halong mga emosyon and all of that. The pressure of getting married, that I have to fix everything all at once.
"Nangyari lahat while doing this film so I think it helped me in a way, and I learned a lot about myself.
"Hopefully, maayos siya na na-translate sa screen. I am actually nervous and excited to watch [it].”