Ang Kappa-tiran ang ikalawang proyekto ng Mamay Production, ang movie outfit na pag-aari ni Nunungan, Lanao del Norte Vice Mayor Marcos Mamay, na may layuning matulungan ang industriya ng pelikulang Pilipino.
Ang kanyang biopic na Mamay: A Journey to Greatness ang unang pelikula ni Mamay at nanalo ito ng mga parangal sa 73rd FAMAS noong nakaraang taon kaya lalong tumindi ang kagustuhan niyang makatulong sa Philippine movie industry.
Tungkol sa mga nangyayari sa mga sumasali sa fraternity ang kuwento ng Kappa-tiran.
KAPPATIRAN DIRECTOR
Dream project ito ng direktor na si Neal Tan dahil inspirasyon nito ang award-winning at critically acclaimed movie ni Mike de Leon noong 1982, ang Batch ’81.
Tulad ng Kappa-tiran, si Tan ang direktor ng Mamay: A Journey to Greatness kaya nangangarap si Mamay na mananalo rin ng mga parangal ang pelikula na pangungunahan nina Ejay Falcon, Sheryl Cruz at Bembol Roco.
"Hakot awards sa FAMAS [ang Mamay], sana dito na naman uli, ma-sweep natin ang awards.
"Pang-Cannes daw [ang Kappa-tiran],” ang nakangiting pahayag ni Mamay sa ginanap na story conference ng Kappa-tiran noong Linggo, Pebrero 1, 2026.
Read: Ejay Falcon, balik-pelikula matapos tumakbong congressman
KAPPA-TIRAN TO SHOWCASE NEWBIE ARTISTS
Ipinakilala sa story conference ng pelikula ang mga gaganap na neophytes sa Kappa-tiran, ang mga baguhang aktor na nais tulungan ng Mamay Production para matupad ang kanilang pangarap na maging mga artista.
"Part ng advocacy natin is makatulong, lalo na sa mga baguhan," paliwanag ni Mamay tungkol sa desisyon nitong mga aspiring actor ang bigyan ng break sa Kappa-tiran.
"Isa rin sa advocacy natin kung paano maihatid yung mensahe ng bawat mga pangyayari, lahat ng mga sitwasyon.
"So knowing the fact, isa rin sa rason kung bakit ko pinasok ang movie industry para kahit papaano, in one way or another makatulong tayo.
"Kasi after the pandemic, for more than two years, na-deprive ang mga artista na gumawa ng pelikula kaya nandito tayo para tulungan sila na magkaroon ng trabaho.
"Bilang isang local city executive, nag-term na tayo na mayor and now vice-mayor, part ng advocacy natin na makatulong tayo not just sa one sector, lahat po ng sector tutulungan natin,” ani Mamay.
Matagal na niyang gustong makatrabaho si Sheryl kaya lubos ang pasasalamat niya sa aktres dahil tinanggap nito ang Kappa-tiran.
Read: Sheryl Cruz, busy sa pagta-travel abroad pag walang teleserye