PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Controversial personality, target ng smear campaign

Layunin ng smear campaign na sirain ang kredibilidad ng controversial personality.
by Jojo Gabinete
Published Feb 3, 2026
blind item controversial personality
PHOTO/S: Chat GPT

Dapat maging maingat at mapagmasid ang personalidad na sangkot sa isang kontrobersiyal na usapin.

Ito ay dahil may mga taong kumikilos para pagdudahan ng publiko ang kanyang integridad at kredibilidad.

May pabuya ang sinumang maglalabas ng balita tungkol sa personalidad.

Pero tila hindi nagpapaapekto ang personalidad sa mga nangyayari sa kanyang paligid, lalo na sa isyung kinasasangkutan niya.

Read: Jerry Yan, Vic Zhou attend unveiling of Barbie Hsu's memorial statue on first death anniversary

Malinaw ang layunin ng ipinakakalat na balita.

Ito ay ipaalam sa publiko na may kakayahan ang personalidad na iligtas ang sarili mula sa malaking problemang kinakaharap niya na tiyak makakaapekto sa kanyang showbiz career kapag hindi napigilan.

Ipinahihiwatig din sa mga ikinakalat na balitang may intensiyon ang personalidad na ang ibang mga sangkot sa isyu ang madiin kaya gumagawa siya ng paraang ilihis ang katotohanan.

THE TRUTH SHALL PREVAIL

Puwedeng-puwedeng itanggi ng mga nasa likod ng smear campaign ang paninira na kanilang ginagawa laban sa personalidad, pero hindi nila maaaring linlangin ang kanilang mga sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam na alam nilang malaking halaga ng pera ang matatanggap ng mga taong kanilang kinakausap para ikalat sa social media at malathala sa iba’t ibang publications ang papel na kanilang ipinamamahagi na kumukuwestyon sa kredibilidad at integridad ng personalidad.

Ang natuklasang smear campaign laban sa personalidad ang pruwebang tama ang kutob ng kanyang pamilya na may mga taong kumikilos para sirain ang pagkatao niya.

Read: BLIND ITEM: Aktres, baka di matuloy ang pelikula dahil sa pagdadalantao

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results