PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andres Muhlach, pinagkaguluhan sa unang pagbisita niya sa GMA-7

Andres Muhlach on joining showbiz: "I really wanted to do this."
by Jojo Gabinete
Published Feb 5, 2026
andres muhlach fast talk
Andres Muhlach on what prompted him to join showbiz: "Para sa akin naman, feeling ko, from a very young age, I really wanted to do this. Parang may ganoon talaga sa utak ko... Parang we were exposed to it and then may commercials din. So, parang naging interested din ako through time."
PHOTO/S: GMA Network

Mainit ang pagtanggap ng mga empleyado ng GMA-7 kay Andres Muhlach sa kauna-unahan nitong pagtuntong sa bakuran ng Kapuso network.

Nag-guest si Andres sa third anniversary week celebration ng Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, Pebrero 4, 2026.

Nagtilian sa tuwa ang mga empleyado ng GMA-7 nang makita nila nang personal si Andres.

Lalo nilang minahal ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez nang huminto ito para pagbigyan ang kanilang mga kahilingang selfie photo at video.

Naantala rin ang pagpasok at pagsakay ni Andres sa elevator dahil pinirmahan niya ang Bagets The Musical souvenir items at tickets na dala ng mga empleyadong pinanood ang musical na kanyang pinagbibidahan.

Puring-puri ng GMA-7 employees ang kababaang-loob at ang ipinamalas na pagpapahalaga sa kanila ni Andres.

Dahil dito, nadagdagan daw ang paghanga nila sa 24-year-old actor na inaasam nilang magkaroon sana ng programa sa Kapuso Network.

Read: REVIEW: Bagets: The Musical taps into youth, music, and nostalgia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FIRST STUDIO INTERVIEW

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, sinabi ni Andres na ang kanyang pagbisita sa Fast Talk ang kauna-unahang studio interview niya mula nang pumasok siya sa showbiz noong 2024.

Sabi ng Viva heartthrob: “Thank you for having me. This is the third anniversary, right? It’s really an honor to be here, Tito Boy.

“First time ko in GMA. First time ko na ma-interview sa studio. So this is really, like, a full-circle moment, mas lalo na you’re interviewing me.”

Tatlong beses pa lamang nagkakaroon ng studio interview si Andres mula noong bata hanggang magbinata siya.

At puro si Boy ang interviewer niya.

Ang una ay noong maliit pa siya. Nangyari ito sa kaarawan ng kanyang ina na si Charlene, na ipinagdiwang noon sa defunct showbiz talk show program ng ABS-CBN, ang The Buzz.

Read: Asia Rose Simpson is crowned Miss World Philippines 2026

andres muhlach fast talk
Photo/s: Viva Artists Agency Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ANDRES MUHLACH ON JOINING SHOWBIZ

Tinanong ni Boy kung sila lang ng kanyang kakambal na si Atasha Muhlach ang may gustong pumasok sa showbiz.

Sagot ni Andres: "Para sa akin naman, feeling ko, from a very young age, I really wanted to do this. Parang may ganoon talaga sa utak ko.

"Baka naman kasi parang growing up, being exposed to everything, you know, going to The Buzz.

"Nung earlier days, picking up my mom sa The Buzz, going to mga shooting ni Dad, yung mga set niya.

"Parang we were exposed to it and then may commercials din. So, parang naging interested din ako through time.

"Pero in a way, I was also like in denial.

“Parang iniisip ko na, 'Ah, do I really wanna do that ba or is it because I am being exposed to it?'”

Read: Emilienne Vigier speaks about relationship with Joshua Garcia

ANDRES ANSWERS BOY'S QUESTIONS

Sa tanong kung sino sa kanila ni Atasha ang mas maraming pera, “Ia-answer ko ba yon talaga?” ang inosente at natawang reaksiyon ni Andres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa huli, sagot niya, “Secret.”

Sa Fast Talk question na "high tide or low tide," muling natawa si Andres dahil pamilyar na pamilyar sa kanya ang tanong.

“Oohhh, Charlene Gonzalez-Muhlach, high tide,” nakangiting sagot ni Andres.

Ang "high tide or low tide" ang mga salitang naging popular dahil sinambit ito ni Charlene sa Q&A portion ng Miss Universe 1994 na idinaos sa Pilipinas noong Mayo 21, 1994.

Si Charlene ang opisyal na kandidata ng Pilipinas sa naturang international beauty pageant.

Tanong pa sa kanya, “Sino ba ang mas guwapo, ikaw o ang tatay mo?”

Sagot ni Andres: “Yung tatay ko talaga. OG, OG yon talaga. Aga Muhlach po yan, come on. OG ‘yon.”

Read: Jerry Yan, Vic Zhou attend unveiling of Barbie Hsu's memorial statue on first death anniversary

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andres Muhlach on what prompted him to join showbiz: "Para sa akin naman, feeling ko, from a very young age, I really wanted to do this. Parang may ganoon talaga sa utak ko... Parang we were exposed to it and then may commercials din. So, parang naging interested din ako through time."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results