PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

3 magkapatid, tinapos ang buhay matapos tanggalan ng cellphone

Tatlong magkakapatid sa India, sobra umano ang obsesyon sa Korean contents.
by Jojo Gabinete
Published Feb 5, 2026
sisters in india
Three sisters, all minors, died this week after jumping from the ninth floor of an apartment building in Ghaziabad, India.
PHOTO/S: Canva

Trigger Warning: Suicide

Malaking balita ngayon sa India ang pagpapatiwakal ng tatlong menor de edad na magkakapatid na sina Vishika, 16, Prachi, 14, at Pakhi, 12.

Ayon sa mga ulat, tumalon ang magkakapatid mula sa balkonahe ng ika-siyam na palapag ng gusali na kanilang tinitirhan dahil sa matinding obsesyon nila sa mga teleserye, pelikula, at musika ng Korea.

Nangyari ang trahedya sa tahanan ng mga Kumar sa Uttar Pradesh's Ghaziabad, India, noong Huwebes ng umaga, Pebrero 4, 2026.

Labis na nagdadalamhati ang ama ng magkakapatid na si Chetan Kumar dahil sa sinapit ng kanyang mga anak na pinagbawalan daw niyang gumamit ng cellphone.

Read: Lito Pimentel on second chances and being a dad in his 60s

THE SISTERS' ADDICTION TO PHONE AND KOREAN CONTENTS

Ayon sa ulat ng The Indian Times at ibang international news outlets, nag-umpisa umano ang Korean content at phone addiction ng magkakapatid noong panahon ng pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diumano, ang sobrang obsesyon sa kultura ng Korea ang dahilan kaya gumagamit na ng Korean names ang magkakapatid at huminto na sila sa pag-aaral, dalawang taon na ang nakararaan.

Sinabi ni Deputy Commissioner of Police Nimish Patel na nakaapekto umano sa magkakapatid ang ilang araw na pagbabawal ng kanilang ama sa paggamit nila ng cellphone at hindi maipagkakaila ang malakas na impluwensiya ng Korean culture sa mga nasawi.

Naging "addicted" din daw ang magkakapatid sa isang Korean online gaming app.

Natagpuan umano ang walong pahinang suicide note ng magkakapatid na may nakasulat na: “Papa, sorry, Korea is our life, Korea is our biggest love, whatever you say, we cannot give it up. So we are killing ourselves.

“You tried to distance us from Koreans, but now you know how much we love Koreans.”

Nakita ring nakasulat sa dingding ng kuwarto ng mga pumanaw ang mga salitang "I am very very alone" at "make me a hert of broken."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa mga saksi, posibleng nadamay lamang sa pagpapatiwakal ni Vishika sina Prachi at Pakhi dahil kasama sila sa mga nahulog habang inaawat nila mula sa pagtalon ang kanilang panganay na kapatid.

Sa panayam, sinabi ng ama ng mga nasawi na hindi dapat mangyari sa sinumang magulang at mga anak ang trahedyang naganap sa pamilya niya.

Read: Bembol Roco says son Dominic learned his lesson from past drug bust

Are you someone who struggles with mental health issues? Or someone with suicidal ideations? Please seek help.

Here is a free hotline for those of you who need support: NCMH Crisis Hotline provides 24/7, free, compassionate and confidential support over the phone 1800-1888-1553

And this: The Philippine General Hospital (PGH) offers free psychiatric consultation and counseling services done through personal checkups. Set an appointment and wait for a representative to confirm your schedule. To set an appointment, go to their website. The PGH is located at Taft Ave., Ermita, Manila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Three sisters, all minors, died this week after jumping from the ninth floor of an apartment building in Ghaziabad, India.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results