Mananatiling nakabilanggo sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas Road, Quezon City, ang aktor at dating senador na si Ramon "Bong" Revilla Jr.
Ito ay matapos ibasura ng Sandiganbayan Third Division ang mosyon ng kanyang kampo na ilipat siya sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City.
Ang PNP Custodial Center ang naging bilangguan ni Revilla sa loob ng apat na taon, mula Hunyo 2014 hanggang Disyembre 2018, nang sampahan siya ng kasong plunder dahil sa pagkakasangkot niya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Muling nakulong si Revilla, mula pa noong Enero 22, 2026, dahil sa pagkakasangkot niya sa PHP92.8 million ghost flood control project sa Bulacan.
Sinampahan siya ng non-bailable case na malversation through falsification of public documents.
Related Stories:
- Sandiganbayan, ipinag-utos na ikulong si Bong Revilla sa QC Jail
- Bong Revilla, isasama na sa ibang inmates ng Quezon City Jail
SANDIGANBAYAN REJECTS BONG REVILLA'S MOTION
Hiniling ng kampo ni Revilla sa Sandiganbayan Third Division na ilipat ang actor-politician sa PNP Custodial Center dahil inaalaala nito ang diumano’y karahasan o gang-related violence sa Quezon City Jail.
"Lack of basis" o walang basehan ang katuwiran ng Sandiganbayan Third Division sa desisyon nitong huwag pagbigyan ang mosyon ni Revilla.
Nakasaad sa tatlumpung pahinang resolusyon ng Sandiganbayan Third Division, na may petsang Pebrero 5, na ang Quezon City Jail Male Dormitory ang nakatalagang kulungan para sa mga personalidad na sangkot sa mga anomalya sa flood control project.
Sinabi ng Sandiganbayan Third Division na may negative congestion rate o hindi masikip ang naturang bilangguan kaya maaaring dito manatili si Revilla habang dinidinig ang kanyang kaso.
Bahagi ng nakasaad sa resolution: “The court visited the jail facilities where the accused are being detained on January 23, 2026.
"As to the Male Dormitory, the court is convinced that the jail’s security measures are sufficient for the safekeeping of Revilla and the other accused.
“From the foregoing, there is no basis for the Revilla’s claims of harm, harassment, and threat to his person that would warrant a transfer of his custody to any PNP custodial facility."
Nakatakda ang arraignment sa dating senador sa Lunes, Pebrero 9.
Read: Bong Revilla faces malversation, graft raps over flood control