PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Phillip Salvador, itinangging nagsalita laban kay Bong Revilla

Phillip Salvador, kinondena ang fake news na sinabi umano niya kay Bong Revilla.
by Jojo Gabinete
Published Feb 6, 2026
phillip salvador bong revilla fake news
Veteran actor Phillip Salvador (left) condemns fake news circulating on YouTube that falsely claims he made a statement about the imprisonment of former Senator Bong Revilla (right).
PHOTO/S: Facebook

Umalma ang multi-awarded actor na si Phillip Salvador sa fake news na mapapanood sa YouTube na may layuning sirain ang pagkakaibigan nila ng dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr.

Nakasisirang-puri ang fake news na inilabas ng isang U.S.-based content creator sa kanyang YouTube channel.

Pinalitaw nitong nagsalita si Phillip tungkol sa pagsuko at pagkakakulong ni Bong dahil sa pagkakasangkot nito sa anomalya sa flood control projects.

Read: Bong Revilla, isasama na sa ibang inmates ng Quezon City Jail

Ito ang sinabi umano ni Phillip sa pekeng balita sa YouTube (published as is): “Hindi ba kayo nagtataka mga kababayan, malakas ang loob na sumuko.

"Kahit kaibigan ko si BONG REVILLA, ito lang ang sasabihin ko, talagang magnan4kaw yan. Noon pa man 2014 ginawa na niya yan kay NAPOLES.

“Pero ngayon nagtataka ako, sumuko siya ng buluntaryo. May hinala ako may plano yan si Bong Revilla.

"Alam kong palabas lang nila yan para masabi na may nakulong na maliit na isda. Baka magturo yan, ituro ang mga Duterte. Kilala ko yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
phillip salvador bong revilla
Photo/s: YouTube

May disclaimer na nakalagay sa YouTube channel ng nagpapakontrobersiyal na content creator.

Nakasaad dito: “All content features on this channel is used for entertainment purposes only. No copyright infringements are intended. If materials appearing on this channel belongs to you, please inform /email me so I can remove it immediately.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sandiganbayan, tinanggihan ang mosyon ni Bong Revilla

PHILLIP SALVADOR REACTS TO FAKE NEWS

Matagal nang hindi nagpapainterbyu si Phillip sa mga miyembro ng media, at lalong hindi siya nagbibitaw ng anumang pahayag tungkol kay Bong.

Tahasang kinokondena ng aktor, na kilalang malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang imbentong balita.

Nadismaya at nalungkot si Phillip dahil sa mga iresponsableng content creators na nagkakalat daw ng mga kasinungalingan at naninira ng buhay ng ibang mga tao.

Saad niya: “For entertainment purposes lang daw pero naninira siya and they need to make a disclosure for lawsuits, just in case. Grabe ang tao na ito.”

Nanawagan si Phillip sa publiko na maging mapagmasid, maingat, huwag basta maniwala sa mga nababasa o napapanood sa social media, at huwag umanong tangkilikin ang mga nagkakalat ng mga walang katotohanang balita.

Read: Sandiganbayan, ipinag-utos na ikulong si Bong Revilla sa QC Jail

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor Phillip Salvador (left) condemns fake news circulating on YouTube that falsely claims he made a statement about the imprisonment of former Senator Bong Revilla (right).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results