Lumipad sina Rabin Angeles at Angela Muji sa Dubai, UAE, ngayong Biyernes, Pebrero 6, 2026.
Dadalo sila sa kanilang fan meet sa Barrio Fiesta Dubai na magaganap sa Linggo, Pebrero 8, sa Zabeel Park Gate 5, Dubai, UAE.
Ang pagpunta ng dalawa sa Dubai ang unang pagkakataong magkasama silang bumiyahe sa ibang bansa.
Katuparan daw ito ng isa sa kanilang mga bucket list.
Read: Mygz Molino, kumusta apat na taon matapos pumanaw ni Mahal?
Pahayag ni Rabin sa panayam ni MJ Marfori ng TV5: “Ang saya kasi natuloy din.
"Parang ilang beses ko po ina-announce na pupunta kami ni Angela sa Dubai pero hindi naman kami natutuloy. Tuloy na po kaya sobrang saya.
“Ilang araw kaming magkakasama ni Angela, makakapag-bond kami po talaga.”
Nakunan ng TV5 sina Rabin at Angela sa Ninoy Aquino International Airport, ilang oras bago lumipad ang eroplanong maghahatid sa kanila sa Dubai.
Gaya ni Rabin, tuwang-tuwa si Angela dahil ang biyahe nila sa Dubai ang pangalawang pagkakataong makararating siya sa ibang bansa.
“It’s my second time travelling outside the country. I am so happy. Manifesting na makapunta rin sa Amerika,” sabi ni Angela.
RABGEL NEXT PROJECT
Isang linggong mananatili sa Dubai ang RabGel loveteam.
Sa kanilang pagbalik, ang taping ng bagong drama anthology na may apat na kabanata at iba’t ibang mga direktor ang pagkakaabalahan nila.
Sabi ni Rabin, “Excited na kami sa anthology. Sobrang gandang experience ito dahil marami ang mga direktor.”
Nangangarap si Rabin na magkaroon sila ng pelikula ni Angela na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMF) 2026.
Ayon kay Rabin, naka-pin sa mga mensahe nila ni Angela ang kahilingang maging bahagi sila ng 52nd MMFF.
Noong 2025, ang mabigyan ng launching movie ang kanilang loveteam ang pangarap niya.
Natupad ito sa pamamagitan ng Philippine adaptation ng South Korean movie na A Werewolf Boy, na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong Enero 14, 2026.
Nag-umpisa naman ang pagtatanghal ng A Werewolf Boy sa United Arab Emirates noong Enero 29.
Matapos nito, nadagdagan ang bilang ng mga Pilipino sa Dubai na sumusuporta sa loveteam nina Rabin at Angela, at nasasabik nang makita ang dalawa sa Barrio Fiesta Dubai.
Read: Kitkat trades barbs with brother-in-law over "expired" pasalubong