Walang katotohanan ang balitang magbibida si Eman Bacosa Pacquiao sa Task Force Firewall, ang upcoming action-drama series ng GMA-7 na tungkol sa cybercrime.
Itinanggi ng Cabinet Files source, isang production insider, ang walang basehang impormasyon.
Ang main cast ay pangungunahan nina Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Buboy Villar, at Jak Roberto.
Kung sakaling mapanood man ang 22-year-old budding boxer sa nabanggit na television series, maaaring special participation lamang.
Pero hindi bilang isa sa mga bida.
EMAN BACOSA PACQUIAO'S PRIORITY
Wala rin daw sa plano ni Eman ang umarte.
Malinaw niyang sinabi sa kanyang panayam Cabinet Files noong hindi pa siya pumipirma sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA Network Inc., na hindi siya mag-aartista.
Mas gusto raw niyang mag-focus sa mga product endorsements, na nagsimula nang dumagsa buhat nang bansagan siyang "Piolo Pacquiao.”

Ang boxing at hindi pag-aartista ang number one priority ni Eman, na abala mula pa noong Enero 2026 sa pag-eensayo dahil pinaghahandaan niyang mabuti ang Kumong Bol-Anon 24, isang boxing event na magaganap sa Pebrero 28, 2026, sa Bohol Cultural Center, Tagbilaran City.
Ang Indonesian boxer na si Reynold Kundimang, 24, ang makakatunggali ni Eman sa Kumong Bol-Anon 24, at maglalaban sila para sa 135-pound division na may walong rounds.
Samantala, inaasahang magsisimula sa Marso 2026 ang taping para sa Task Force Firewall, na planong ipalit sa timeslot ng Never Say Die kapag nagwakas na ito.
Sina Jillian Ward at David Licauco ang mga bida sa Never Say Die, isa ring drama-action series na nag-umpisang mapanood sa Kapuso Network noong Pebrero 2.
Read:
Jenny Syquia reveals receiving messages from Gabby Concepion
Filipino celebrities who took their love for baking into business