Ang sexy star na si Sunshine Guimary, na naging kapareha ni Jerald Napoles sa Kaka (2021), ang pinagselosang husto ni Kim Molina.
Kaya naging mahirap daw noon para kay Jerald ang pagpo-promote ng nasabing Vivamax sex comedy movie dahil sa matinding pagseselos ni Kim.

Ito ang ibinahagi ni Jerald sa nakaraang media conference ng Philippine adaptation ng South Korean movie na Wonderful Nightmare, ang proyektong pinagbibidahan nila ni Kim.
"Kasama ko si Sunshine Guimary. Taliwas ang pakiramdam ko dahil medyo nag-aaway kami ni Kim noon,” ang umpisa ng pagtatapat ni Jerald.
"Hindi kasi siya komportable sa premise ng pelikula at sa mga gagawin ko, which is natural naman sa mga karamihan na girlfriend at boyfriend o sa mag-asawang artista.
"Siyempre, kapag naka-hotpick yung emotions ni Kim, kahit anong sabihin ko na pagdedepensa sa sarili or pangako, hindi natin mapa-flatten out yung emosyon na iyon,” ang lahad ni Jerald tungkol sa pag-aaway nila ni Kim na lalong pinatindi ng lock-in shoot ng Kaka dahil panahon noon ng COVID-19 pandemic.
"Habang nagsu-shoot ako, e, pandemic pa, naka-lock in pa. Naku, lalong kumukulo yung tubig sa bahay.
"May ganoon po na tensiyon habang nagsu-shoot ako ng intimate scenes and everything with the leading lady,” ang kuwento ni Jerald sabay paalala na siya ang nag-umpisa noon ng Vivamax.

A CHANGE IN KIM MOLINA'S MINDSET
Pero malaki na raw ang ipinagbago ng pananaw ni Kim dahil tanggap na nitong artista rin ang lalaking pinili niyang pakasalan.
Handa na rin siyang higit na magningning ang showbiz career ni Jerald kesa sa kanya, hindi kagaya dati na competitive siya at maraming tanong sa sarili.
Sabi ni Kim: “Katulad nung ginawa niya yung Kaka. Dati meron akong, ‘Bakit ganoon? Bakit siya may bed scene?’
"Artista yung dyowa mo, e! Hello, huwag ka nang maging choosy. At least, may work kayo.
"Nagbago na rin po ang pananaw ko when it comes to that. So if ever he would want to do another movie like that, go!"
Mahigit 10 years na ang kanilang relasyon.
Una silang nagkakilala noong 2014 sa rehearsal ng musical na Rak of Aegis ng Philippine Educational Theater Association (PETA).
SA PETA Theater sa Quezon City nag-propose si Jerald kay Kim noong August 2024.
Nakatakda ang kanilang kasal sa March 1, 2026.
At malaki ang epekto ng nalalapit na big event sa mindset ng aktres.
Ani Kim, "Yung pera niya, mapupunta sa akin, di ba? So kapag marami siyang pelikula, yung pera niya, akin!”
Read:
Jenny Syquia reveals receiving messages from Gabby Concepion