Ang positibong pananaw sa buhay at kontroladong emosyon ang ilan sa mga katangian ng AKTRES kaya hinahangaan ito ng publiko.
May imahe siyang matalino at malawak ang pang-unawa, pero lingid sa kaalaman ng mga tao, mapaghiganti siya laban sa mga itinuturing niyang nang-agrabyado sa kanya.
Ang AKTOR na dating karelasyon ng AKTRES ang isa sa mga biktima at makapagpapatunay na may katotohanan ang kasabihang, "Hell hath no fury like a woman scorned."
Read:
Who is Nicole Donesa, Mark Herras's wife?
PAGHIHIGANTI NG AKTRES
Hindi matanggap ng AKTRES noong hiniwalayan siya ng AKTOR at bilang ganti, lumuluha siyang ipinamalita na buntis siya.
Para makumbinsi ang mga tao na totoo ang pagbubuntis niya, nakipagsabwatan ang AKTRES sa isang maimpluwensiyang showbiz personality.
Nagtagumpay naman siyang papaniwalain ang mga tao na nagdadalang-tao siya dahil mahirap pagdudahan ang positive result ng pregnancy kit na ginamit niya bilang ebidensiya.
Nakuha ng AKTRES ang awa at simpatiya ng mga tao kaya nagalit sila sa AKTOR, na pinaratangang iresponsable at walang paninindigan.
Matindi ang naging epekto sa career ng AKTOR ng mga batikos at negatibong komento tungkol sa naging trato niya sa karelasyong AKTRES.
Pero makalipas ang ilang buwan, hindi lumaki ang tiyan ng PERSONALITY.
Sa madaling sabi, nagpanggap lamang siyang buntis para makaganti sa aktor.
Tanging ang AKTRES lamang ang nakakaalam kung paano siya nagkaroon ng pregnancy kit na positibo ang resulta para mapaniwala niya ang publiko.
Ang panlilinlang na ginawa niya ang dahilan kaya hinding-hindi niya mapaniniwala ang Cabinet Files tungkol sa kanyang ipinakikitang positivity at righteous image sa harap ng kamera.
Lalong hindi kapani-paniwala ang mga papuri ng AKTRES sa dating karelasyon dahil iba ang kanyang mga sinasabi sa likod ng kamera, kaya hindi dapat magpauto ang mga tao sa kanyang matamis na pananalita.
Pero hindi kaya nagbago na siya? Posible.
Pero antayin na lang mag-unfold ang mga bagay-bagay, very convincing kasi si AKTRES, e.