PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla on malversation and graft cases: "Laban lang."

Misis ni Bong na si Lani Mercado, nanindigang inonsente ang kanyang mister.
by Jojo Gabinete
Published Feb 9, 2026 | Updated Feb 9, 2026
bong revilla sandiganbayan
Actor and former Senator Bong Revilla’s arraignment, set for today, February 9, 2026, has been rescheduled to February 16 following the filing of a pending motion. The proceedings are in connection with his malversation through falsification of public documents case.
PHOTO/S: Screen grab from One PH Facebook

Matipid ang mga sagot ng aktor at dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr. sa magkahiwalay na tanong sa kanya ng mga miyembro ng media nang dumating siya sa Third Division ng Sandiganbayan nitong Lunes ng umaga, Pebrero 9, 2026.

Ito ay kaugnay ng arraignment niya sa kasong kinasasangkutan, ang malversation through falsification of public documents.

“Laban lang” at “I love you all” ang mga sagot ni Revilla nang hingan siya ng pahayag ng mga mamamahayag na nag-abang sa kanya sa Sandiganbayan Third Division.

Kapansin-pansin ang pagpayat ng dating senador — na hindi maipagkakailang epekto ng kanyang pagkakabilanggo mula noong Enero 20 sa New Quezon City Jail sa Payatas Road, Quezon City.

Ipinagpaliban ng anti-graft court sa Pebrero 16 ang arraignment kay Revilla dahil sa nakabinbing mosyon ng actor-politician kaugnay sa ibinibintang sa kanyang ghost flood control project sa Pandi, Bulacan, na nagkakahalaga ng PHP92.8 million.

Pagkatapos nito ay inilipat si Revilla at ang mga kapwa niya akusado sa Sandiganbayan Fourth Division para naman sa arraignment ng graft case, kaugnay pa rin ng diumano'y ghost flood project sa Pandi, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumanggi si Revilla na mag-enter ng plea kaya ang Sandiganbayan Fourth Division na ang nag-enter ng "not guilty" plea para sa kanya.

Read: Sandiganbayan, tinanggihan ang mosyon ni Bong Revilla

LANI MERCADO MAINTAINS HUSBAND BONG REVILLA'S "INNOCENCE"

Nagsadya sa Sandiganbayan Third Division ang asawa ni Revilla na si Cavite Second District Representative Lani Mercado bilang suporta sa kanya.

Isang araw bago naganap ang hindi natuloy na arraignment kay Revilla ngayong Lunes, dumalo si Lani sa Ecumenical Prayer Rally for Truth, Integrity, Due Process, Peace and Justice na idinaos sa Freedom Park, Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, noong Linggo, Pebrero 8, 2026.

Sa isang bahagi kanyang talumpati, nanindigan si Lani na ang kanyang asawa ay "inosente" sa mga "maling akusasyon" laban dito.

Lumuluhang sinabi ng actress-politician: “Masakit at higit sa lahat, nakakagalit na masilayan ang aming mahal na ama, ang aking mahal na asawa, sa kanyang pinagdaraanan ngayon.

"Sapagkat ang kanyang pagdurusa ay hindi bunga ng pagsuko sa isang kasalanan kundi isang pagsuko sa sistemang pumayag sa kawalan ng hustisya. Sa kawalan ng tunay na katarungan. Kung saan ang inosente ay ipinipiit at binubusalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ito ay sugat sa puso namin. Sugat sa mga supporter niya at sugat sa bawat mamamayang Pilipino na kanyang tinulungan. Isang malakas na dagok sa aming puso at damdamin.

"Ngunit dahil po sa inyong pagmamahal na ipinapakita ngayong gabi, sa inyong suporta at panahon na iniuukol sa gabing ito, kaya naming harapin.

“Kayang harapin ni Senator Bong Revilla ang patuloy na pagpukol ng mga maling akusasyon laban sa kanya.”

Ngunit base sa mga komento ng netizens sa mga artikulong lumabas tungkol sa ginanap na prayer rally para kay Bong Revilla, marami sa kanila ang hindi sang-ayon sa paniniwala ni Lani.

Read: Lani Mercado emosyunal sa prayer rally para sa asawang si Bong Revilla

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor and former Senator Bong Revilla’s arraignment, set for today, February 9, 2026, has been rescheduled to February 16 following the filing of a pending motion. The proceedings are in connection with his malversation through falsification of public documents case.
PHOTO/S: Screen grab from One PH Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results