Hindi pa umuusad ang mga reklamong torture at serious illegal detention ni Bonifacio Baro, alias Totoy, laban kina Michelle Dee, Rhian Ramos, at Samantha Panlilio.
Si Baro ang driver at personal assistant ni Rhian.
Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio “Boy” Evangelista, naghahanap pa siya ng abogadong magtatanggol sa complainant.
Inilahad ni Evangelista na nakipagpulong na ito sa tatlong volunteer lawyers at maingat siya sa pagpili.
Sa kanyang sariling salita: “This is a fight between David and Goliath.”
Read: Mga ina nina Rhian Ramos at Michelle Dee, umalma sa mga alegasyon
Nais daw ni Evangelista na makatiyak na walang koneksiyon o hindi maiimpluwensiyahan ng mga pulitiko o mga miyembro ng high society ang abogadong hahawak ng kaso ni alias Totoy.
“Ang mga akusado po, the rich and famous at millions ang followers sa iba’t ibang platforms,” saad ni Evangelista sa Cabinet Files.
Nangako si Evangelista na tutulungan ng VACC si alias Totoy na nasa ilalim ngayon ng kanilang pangangalaga.
Wala raw katotohananng itinatago nila ito dahil pumupunta umano ang complainant sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lahat ng oras na kailangan siya.
Idiniin ni Evangelista na pro bono o libre ang pagtulong kay alias Totoy ng VACC, na isang non-government organization at non-profit.
Mula raw sa sariling bulsa nila ang mga ginagastos para magkaroon ng hustisya ang diumano’y pananakit at ilegal na pagkulong kay alias Totoy.
Read: Vietnamese content creator, nadadawit sa isyu ni Michelle Dee
DEREK DEE STILL MUM ON MICHELLE'S ISSUE
Samantala, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa dating aktor at movie producer na si Derek Dee para sa reaksiyon nito tungkol sa kinasasangkutang isyu ng anak niyang si Michelle, pero hindi pa siya sumasagot.
Dati ay mabilis sumagot si Derek sa mga katanungan ng Cabinet Files, lalo na nang maging kinatawan si Michelle ng Pilipinas sa Miss Universe 2023.
Mauunawaan ang pananahimik niya dahil maselan at mabigat ang paratang na pambubugbog at illegal detention na inihain laban sa kanyang anak ni Baro.
Inakusahan naman ni Michelle si Baro ng qualified theft dahil sa pagnanakaw umano nito ng angpao na naglalaman ng mga sensitibong larawan.
Nag-post ng maikling mensahe si Derek sa Facebook kaugnay ng isyu ng anak.
Nakasaad dito: “From a different chapter of my life with Mimilanie — but my love and support for my daughter Michelle remains constant and unwavering.”
Ang "Mimilanie" na tinutukoy ni Derek ay ang kanyang dating asawa na si Melanie Marquez, ang ina ni MIchelle.
Related Stories:
- Melanie Marquez, inulit ang iconic quote sa isyu ni Michelle Dee
- Mga ina nina Rhian Ramos at Michelle Dee, umalma sa mga alegasyon
- VACC President Boy Evangelista, may sagot sa ina ni Rhian Ramos
- Wil Dasovich, madalas sa condo nina Rhian Ramos at Michelle Dee?
- Netizens compare Vhong Navarro case to Michelle, Rhian complaints
- Melanie Marquez: "Blackmail" ang motibo ng driver ni Rhian Ramos
- Samantha Panlilio camp refutes allegations of Rhian's driver
- Melanie, hindi pa nakakausap si Michelle tungkol sa isyu nito
- Samantha Panlilio, wala pa ring pahayag sa kinasasangkutang isyu
- Michelle Dee camp says she was in Iloilo during alleged torture
- Sam Verzosa, Wil Dasovich dawit sa isyu ng driver ni Rhian Ramos
- VACC, suportado ang driver na inireklamo sina Rhian, Michelle, Samantha
- Rhian at Michelle, inireklamo ng torture at illegal detention
- Michelle Dee, sinampahan ng qualified theft ang driver ni Rhian