PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Izzy Trazona, itinangging wala silang komunikasyon ni Sofia

Izzy Trazona: "Hindi totoo yon kasi kaka-message lang niya sa akin."
by Jojo Gabinete
Published Feb 10, 2026
izzy trazona sofia trazona
Izzy Trazona (left) on trans daughter Sofia Trazona (right): “Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin yon. Not true po. Kasi last message niya sa akin, ‘I am very proud of you na you are standing for what is right and naiiyak ako because nagpunta ka sa concert.’"
PHOTO/S: GMA Network / Instagram

Pagkagulat ang reaksiyon ng dating SexBomb dancer na si Izzy Trazona-Aragon nang mabasa niya ang X post ng kanyang trans woman na anak na si Andrei, aka Sofia, na hindi na sila nagkikita.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Izzy pagkatapos ng guesting nila ng kanyang asawang si Alvin Aragon sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, Pebrero 10, 2026.

Tinanong namin siya tungkol sa nakakaintrigang tweet ni Sofia.

Nakasaad sa X post ni Sofia (published as is): "sa lahat ng nag message sakin

"no. di na po kami nagkikita ni mama

"i also am scared na pagnakita niya na ako ngayon as a transwoman, iba yung reaction na mareceive ko

"and ayoko na bumalik sa dark place nung lumabas yung issue i just want validation and acceptance. wala ng iba

"it’s honestly so sad na di na ko nakakapunta sa mga reunion sa mom’s side, even birthdays

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"kase whenever pumupunta ako lagi lang akong pinag-uusapan and pinagkakaisahan."

Read: Trans woman na anak ni Izzy, inaming di na sila nagkikita ng ina

IZZY TRAZONA SURPRISED BY SOFIA'S TWEET

Sa panayam ng Cabinet Files kay Izzy tungkol sa pahayag ng kanyang anak, itinanggi niyang wala na silang komunikasyon sa isa’t isa.

Nagtatakang sabi ng former SexBomb member: “Hindi totoo yon kasi kaka-message lang niya sa akin. Nagme-message kami.

“Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin yon. Not true po.

"Kasi last message niya sa akin, ‘I am very proud of you na you are standing for what is right and naiiyak ako because nagpunta ka sa concert.’

“Sabi ko, ‘Thank you, anak. By the grace of God and I miss you.’

“Sabi ko sa kanya, 'I love you.'

“Sabi niya, ‘I miss you too.’ May ganoon siya.

"Kaya ngayon, nabasa ko kanina, bakit ganoon? Naguguluhan ako.

"Hindi ko pa siya nakakausap about that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalam din ng Cabinet Files mula kay Izzy ang reaksiyon nito sa Instagram post ni Sofia ngayong Martes na may kinalaman sa operasyong mangyayari sa Marso 2026.

Post ni Sofia: “Will go through a big operation in a month…the girls will be girling and i can’t wait to fulfill my promises to myself as a woman.”

sofia trazona post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ay ganoon? May ganoon?” tanging nasambit ng former SexBomb member tungkol sa operasyong tinutukoy ng kanyang anak, na sinabi noong hindi sinusuportahan ng ina ang pagkatao niya bilang trans woman at drag queen.

Read: SexBomb Izzy Trazona on son Andrei joining the drag world: "I love you so much to not support you on things that will harm you."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Izzy Trazona (left) on trans daughter Sofia Trazona (right): “Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin yon. Not true po. Kasi last message niya sa akin, ‘I am very proud of you na you are standing for what is right and naiiyak ako because nagpunta ka sa concert.’"
PHOTO/S: GMA Network / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results