Hindi sinusubaybayan ng former SexBomb Girls member na si Izzy Trazona-Aragon, 43, at ng kanyang trans woman na anak na si Andrei Trazona, 24, ang social media accounts ng isa’t isa.
Indikasyon itong hindi maayos ang kanilang relasyon.
Noong Setyembre 2023, isiniwalat ni Andrei — na isa ring drag queen at gumagamit ng pangalang Sofia — na nagsinungaling siya nang sabihin niyang suportado siya ng kanyang ina.
Pahayag ni Sofia: “I lied in an interview that she supports me for what I am and for what I do just to protect her from any backlash but there’s no point in protecting her because the truth came out straight from her.
“I love you so much mom but this isn’t healthy anymore.I hope someday you will understand how it feels to be in my shoes. I miss you but you’re not bringing me any comfort and compassion I deserve.”
Makalipas ang tatlong taon, muling naungkat ang isyung hindi magkasundo ang mag-ina nang dumalo si Izzy sa concert ng SexbBomb sa MOA Arena noong Pebrero 7, 2026.
Nabuhay ang interes ng mga tao tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang anak.
Read: Izzy Trazona reunites with SexBomb Girls at Get Get Aw! Rawnd 4
SOFIA TRAZONA ADMITS NOT ON SPEAKING TERMS WITH HER MOTHER
Nagkaroon ng linaw ang usapin dahil sa X (Twitter) post ni Sofia noong Lunes, Pebrero 9, na hindi na sila nagkikita ng nanay niya at natatakot siya sa posibleng reaksiyon ni Izzy dahil ganap na ang kanyang pagiging trans woman.
Mensahe ni Andrei (published as is): "sa lahat ng nag message sakin
"no. di na po kami nagkikita ni mama
"i also am scared na pagnakita niya na ako ngayon as a transwoman, iba yung reaction na mareceive ko
"and ayoko na bumalik sa dark place nung lumabas yung issue i just want validation and acceptance. wala ng iba
"it’s honestly so sad na di na ko nakakapunta sa mga reunion sa mom’s side, even birthdays
"kase whenever pumupunta ako lagi lang akong pinag-uusapan and pinagkakaisahan."
Ang ama ni Sofia ay si Michael Navarro, ang founder ng dance group Philippine Island Assassins.
Ngayong Martes ng hapon, Pebrero 10, 2026, si Izzy at ang mister nitong si Alvin Aragon, former StarStruck Season 1 contestant, ang mga bisita sa Fast Talk With Boy Abunda.
Ang estado ng relasyon nila kay Sofia ang inaasahang itatanong ni Boy Abunda sa mag-asawa.
Gaya ni Izzy, hindi rin follower si Alvin ng social media account ng kanyang stepdaughter na si Sofia.
Nakatakdang sumailalim sa isang importanteng operasyon sa Marso 2026 para matupad ang pangarap niyang maging babae.

Read: Edu Manzano, nagpasaring sa mga personalidad na nandaya sa golf tournament