Tinawag ni Mark Herras na "tanga" at "inutil" ang mga taong nag-imbento ng kuwento na ang kawalan ng trabaho ang dahilan ng kanyang pag-iyak sa Instagram video na ibinahagi niya noong nakaraang linggo.
Nilinaw ni Mark na umiiyak siya sa nabanggit na video dahil sa personal na problema, pero hindi niya idinetalye kung ano ito.
Ginamit ni Mark ang kanyang Facebook page ngayong Martes, Pebrero 10, 2026, para iparating sa mga kinauukulan ang kanyang pagkairita sa walang katotohanan umanong balita tungkol sa kanya.
Read: Mark Herras’ emotional Instagram video worries fellow celebs, fans
MARK HERRAS' FACEBOOK POST
Mensahe ng aktor (published as is): “FYI sa mga basta may ma ipost lang kung ano anong storya ang gingawa basta may ma content lang wag kayong gago!!!
“Yung post ko na umiiyak eh tungkol sa personal na problema! Wag kayong tanga at mahilig gumawa ng kwento para lang sa content nyo!!!
“May mga trabaho akong gingawa may show ako na ginagawa under GMA 7 at under BuenasPH so para sa mga gumagawa ng storya na umiiyak ako dahil wala akong trabaho wag kayong tanga!
“Maghanap kayo ng ibang maco-content wag ako mga inutil!!!!”

Naiwasan sanang mangyari ito kung hindi niya ibinahagi sa social media ang video na umiiyak siya at nagresulta sa sari-saring mga haka-haka tungkol sa mga nangyayari sa kanyang personal at propesyonal na buhay.
Read: Breakdown ni Mark, may kinalaman sa bagong bahay nila ni Nicole?