PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kyle Raphael Borbon, bagong hitmaker ng Viva Records

Kyle Raphael Borbon, nagsimula ang singing career dahil sa Himig Handog.
by Jojo Gabinete
Published Feb 11, 2026
kyle raphael borbon
“Libu-Libong Buwan” singer Kyle Raphael Borbon on being part of the music industry: "Surprising na nandito ako ngayon. Sobrang grateful ako. Siguro ito na yung meant to be sa akin."
PHOTO/S: Viva Records Facebook

Si Kyle Raphael Borbon, 27, ang karagdagan sa listahan ng mga hitmaker ng Viva Records na kinabibilangan nina Rob Deniel, Arthur Nery, Amiel Sol, at ng Cup of Joe.

Si Kyle ang nasa likod ng mga sikat na kantang “Libu-Libong Buwan” at “Kung Para Sa 'Yo.”

Si Kyle din ang composer ng “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong,” ang awit na kinanta ni JM de Guzman at itinanghal na grand winner sa Himig Handog noong 2018.

Ang tagumpay ni Kyle sa Himig Handog 2018 ang naging daan kaya napansin ang kakayahan niya sa pagkanta at paglikha ng OPM songs.

Read: Trans woman na anak ni Izzy, inaming di na sila nagkikita ng ina

Lahad niya: “Nagsimula po ako, basically, nung nanalo po ako sa Himig Handog 2018 and I think, dun nagsimula yung entry ko sa Philippine music industry.

“Months after, na-discover ako ni Boss Verb del Rosario [Viva Records president] to write a song for Viva artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naging semi-audition din yon kasi nalaman nila na singer din pala ako at kaya kong kantahin ang mga kantang isinulat ko.

“From there, I signed two contracts that day. Ako mismo ang naging face ng mga kantang isinulat ko.

“Sobrang humbling na mapunta rito kasi from Davao lang ako and my whole life, nakilala lang ako na shy, tahimik sa school, tapos si Kyle pa mismo ang nasa stage ngayon.

"Sobrang humbling po.”

KYLE RAPHAEL BORBON ON HIS BIGGEST ADJUSTMENT

Lumaki at nagkaisip si Kyle sa Davao kaya malaking hamon daw para sa kanya ang magsulat ng mga awitin na Tagalog.

“Yun po talaga ang biggest adjustment ko,” pagtatapat ni Kyle sa Cabinet Files.

“Pagdating ko sa Viva, needed daw ng Filipino songs.

"Mostly English songs kasi ako noon, pero sa household namin, Tagalog na talaga ang aming usapan.

“Ang aking granddad, from Batangas talaga sila, so I picked up the Visayan language, late na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Psychology graduate si Kyle at pangarap ng kanyang ama na maging abogado siya.

Pero hindi ito nangyari dahil sa pagpasok niya sa music industry na isang sorpresa para sa pamilya nila.

Saad niya: “The goal was maging lawyer. Ayun, napasali ako sa Himig Handog, nag-champion, tapos nag-sign up sa Viva Records.

“Nawala na tuloy yung dream kong maging lawyer.

"Surprising na nandito ako ngayon. Sobrang grateful ako.

"Siguro ito na yung meant to be sa akin.

“Sobrang supportive ng family ko. Pero ang dad ko, forty years na siyang lawyer, so yun ang dream niya para sa akin, maging lawyer din.”

Nadismaya ba ang tatay niya dahil hindi siya sumunod sa yapak nito bilang abogado?

“Siguro at first, pero dream niya rin na maging singer-songwriter. Baligtad, sa akin nangyari.

“Destiny siguro, he gets to live out his dream sa akin kasi nakikita niya ako sa stage.

“Last chat niya sa akin, ‘Kaya mo ba yang stage na yan? Ang daming tao diyan.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi naman inggit, concern yata yon!” natatawang kuwento ni Kyle tungkol sa kanyang ama.

Read: Edu Manzano, nagpasaring sa mga personalidad na nandaya sa golf tournament

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Libu-Libong Buwan” singer Kyle Raphael Borbon on being part of the music industry: "Surprising na nandito ako ngayon. Sobrang grateful ako. Siguro ito na yung meant to be sa akin."
PHOTO/S: Viva Records Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results