Handa si Camarines Sur Governor Luis Raymund "LRay" Villafuerte na ibalik ang tropeyong napanalunan nila ng kanyang guest partner na si Edward Francisco sa Mango Tee Golf Tournament na idinaos sa Ayala Alabang, Muntinlupa City, noong Pebrero 7, 2026.
Ito ay matapos mapagkasunduan ng board of directors ng Ayala Country Club Inc. na idiskwalipika at bawiin ang tropeyong iginawad sa kanila dahil napatunayang may anomalya sa isinumiteng scores ng kanilang team.
Sina Villafuerte at Francisco ang second place sa Net Overall category ng tournament.
Bahagi ng nakasaad sa resolusyon na inilabas ng board of directors ng Alabang Country Club: “After careful review of the investigative report submitted by the Mango Tee Committee and in coordination with the Club’s Golf Committee, the Board of Directors of Alabang Country Club Inc. has decided and unanimously agreed to withdraw the awards conferred during the Mango Tee awarding rites, due to the highly unusual and statistically improbable submitted scores made by these two abovementioned teams.
“RESOLVED FINALLY that the teams of Mr. Ronin Leviste and partner Mr. Darren Flores and Mr. Luis Raymund Villafuerte and partner Mr. Edward Francisco are asked to return the trophies awarded to them during the Mango Tee awarding rites held on 07 February 2026.”
Read: Edu Manzano, nagpasaring sa mga personalidad na nandaya sa golf tournament
LRAY VILLAFUERTE DENIES CHEATING ALLEGATION
Pinabulaanan ni Villafuerte ang mga haka-hakang sangkot sila sa pandaraya.
Iginiit ng politiko na naging matapat sila ni Francisco sa nilakuhan nilang tournament kaya nagulat daw siya sa resolusyong inilabas ng board of directors ng Alabang Country Club.
Sa panayam sa kanya ni Deo Macalma ng DZRH, sinabi ni Villafuerte na isasauli nila ni Francisco ang parangal na ipinagkaloob sa kanila.
Pero dapat daw linawin ng board of directors ng Ayala Country Club na wala silang kinalaman sa nangyaring dayaan.
Saad ng Camarines Sur governor: “Oo, wala naman problema. Isosoli po namin yan.
"Pero ayoko na po yung may insinuation na may nangyaring mali, kasi yun po ang insinuation na parang may mali kaming ginawa.
“Sana in-explain nila, unbelievable raw yung score.
"Yung sa amin po, believable. Yung sa kabila ang hindi, so nadamay talaga kami."
Hindi direktang binanggit ni Villafuerte ang sinasabi niyang "kabila."
Pero malinaw na ang tinutukoy niya ay ang first placers na si former Lian, Batangas Vice-Mayor Ronin Leviste at ang partner nitong siDarren Flores.
Pagpapatuloy niya: “Isosoli po namin yon. Uulitin ko, hindi naman po yung trophy ang habol namin.
"Ang habol namin, yung kasiyahan. Kung manalo ka, secondary na lang po yon.
“Kung hinihingi nila yon, isosoli po namin yon.”
Labis daw ikinalulungkot ni Villafuerte ang mga batikos na natatanggap niya sa social media.
“Ang nakakalungkot kasi, parang sa social media, nandaya po kaming teammate.
“Gusto ko lang bigyan kayo ng background, maganda kasi naman yung first round namin.
“Maganda po yung laro namin at naging contender. Medyo nagkaroon ng mga question.
"Actually po, ipinatawag na ako ng board kasi kinuwestiyon po yung kakampi ko na inner pro raw.
"So, pinatunayan namin na hindi po siya senior, 48 years old, hindi rin siya pro.”
Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Villafuerte, sinabi niyang si former Batangas Vice-Governor Mark Leviste at ang anak nitong si Ronin ang nagreklamo tungkol sa resulta ng Mango Tee Golf Tournament.
Tumanggap daw ng malakas na boo ang mag-ama nang umakyat sila sa entablado sa Mango Tee awarding rites.

Lahad ni Villafuerte: “So sabi ng Board, ‘Cleared ka na.’ Kaya lang, sabi na lang, e, itong si Mark Leviste na member ng Mango Tee board saka yung anak niya na nanalo, sila yung nagrereklamo.
“Sila po yung umakyat sa stage na binoo. Nakakalungkot na pati kami nadamay ba. Kasi siyempre, sabi ko nga, pulitiko.
“Sobrang lakas po ng boo. Nandoon nga ako.
"Ako po tinawag, hindi na ako umakyat [sa stage] kasi medyo nadisganado na ako. Gusto ko na nga i-waive yun, e, kasi dun pa lang, parang may mali.
“Hindi [dahil] may ginawa kaming mali. Mali yung in-issue ng Mango Tee committee. Mali-mali po.
“Ako lang naman po, gusto kong mag-enjoy sa golf. It’s a gentleman’s game.
"Nakita ninyo naman na honest naman po tayo, nag-enjoy naman po tayo."
Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis: "I can buy you, your friends, and this club!"
VILLAFUERTE ON MARK AND RONIN LEVISTE
Ayon pa kay Villafuerte, matitindi ang mga batikos sa mag-amang Leviste sa social media.
“Wala naman pong pandaraya na nangyari. Nagulat lang ako sa board resolution.
"Nag-release sila kasi po grabe yung atake sa social media dun kay Mark Leviste, sa anak niya.
“Si Mark Leviste po ay vice chairman ng Mango Tee, yung anak niya member.
"Sabi ko nga, sana nung contender sila, nag-withdraw na [dahil] conflict of interest.
“Ang nangyari po, kami yung lamang pero binawasan yung handicap ni Ronin.
“Biglang nagwala raw itong si Mark Leviste sa golf committee. Biglang ginawa siyang [Ronin], champion.
“Kaya nga po hindi na ako umakyat [sa stage]. Sabi ko, 'Ano ba naman ito, golf lang.'"
Si Ronin ang first runner-up sa Amazing Cooking Kids, ang reality cooking competition series ng GMA-7 na napanood mula Abril 16, 2011 hanggang Hulyo 16, 2011.
Labing-isang taon ang edad ni Ronin nang sumali siya sa programang hinost ni Carmina Villarroel.
Saad pa niya: "Nalungkot lang po talaga ako na nagpalabas ng resolution, parang ang sama ng insinuation na may anomalyang nangyari na wala naman talaga.
“Ang nangyari po, yung Ronin Leviste, may 24 handicap, pumalo ng 8 over, meaning 16 under his handicap, so dun talaga binoo ng mga tao.
“Na-research ko po na kahit ang pro, hindi nagsi-16 under.
"Ang ibig sabihin ng 16 under, sobrang galing po, kahit sa Guinness Book of Records, 13 under lang. So, tumaas yung kilay ng mga tao.
“Bago po nag-awarding, kami po yung nag-champion. Ang daming nag-congratulate. Meron po akong pruweba, ipinost, e. After ten minutes, binura.
“Medyo may problema din po yung board na nagpapaimpluwensiya sila kung kani-kanino. Ang Mango Tee pa naman, prestigious po. Ngayon medyo nagdududa na yung mga tao.
“And yung inisyu nila na board resolution, parang saving their face na lang.
"Nakakalungkot na nadadamay po ako diyan. Nakakahiya pa yung ginawa.
"Gentleman’s sport po ang golf, kailangan honest ka."
May mensahe rin si Villafuerte para sa board of directors ng Alabang Country Club.
“Ako’y nakikiusap pa rin sa kanila na nagdesisyon sila, respetuhin natin, pero linawin po nila yung pagbawi nila na wala naman pong dayaan at anomalya, particularly po sa akin at sa kasama ko.
"Kasi siyempre, may pangalan naman kami na pinoprotektahan.
“Bakit naman po parang pinapalabas na nagkaroon ng irregularity?”
Read: Karen Davila apologizes for “Nagpa-Patrol, Karen Davila” blooper on TV Patrol
RONIN LEVISTE AND DARREN FLORES BOOED
Kabilang ang actor-politician na si Monsour del Rosario sa mga lumahok sa Mango Tee Golf Tournament.
Nasaksihan niya nang personal ang malakas na boo ng mga tao nang parangalan ang mga nanalo.
Sa pamamagitan ng isang social media post, ikinuwento ni Monsour ang mga pangyayari sa awarding ceremony.
Post niya: "Attended the controversial awardings & raffle of the MANGO TEE 38 at the ALABANG GOLF & COUNTRY CLUB.
"“In my 22 years of joining & playing the Mango Tee, its the 1st time I witnessed & experienced the booing of around over 1,000 Golfers to the TOP 2 winners of the golf Member - Guest Tournament.
“Inspite of that embarassing moment , I would like the congratulate the organizers for a job well done in running the golf Tournament.
“The organizers, have no control anymore what the golfers do with their handicaps & what golfers do in the fairways. That is where integrity & honor comes in the supposedly gentlemans game of golf.”
Read: Driver ni Rhian Ramos, wala pang abogado; ama ni Michelle Dee, tahimik sa isyu