Kabilang ang dating pageant winners na sina Imelda Schweighart, Roxanne Baeyens, Bella Ysmael, Ashley Subijano Montenegro, at Nicole Borromeo sa mga opisyal na kandidata sa Miss Universe Philippines 2026.
Inaasahang matinding puksaan ang magaganap sa pagitan ng mga nangangarap na maging kinatawan ng ating bansa sa 75th Miss Universe na idaraos sa Puerto Rico sa Nobyembre 2026.
Read: Anne Curtis denies saying "iconic" quote but also says "I'm gonna own it"
IMELDA SCHWEIGHART
Si Imelda, 30, ang nanalong Miss Philippines Earth noong 2016.
Kilala rin siya sa kanyang screen name na Imee Hart nang maging co-host siya ni Willie Revillame sa game show na Willing Willie mula 2010 hanggang 2011.
Napanood din si Imelda sa Bagets: Just Got Lucky, ang youth-oriented program ng TV5 (Mayo 2011-Pebrero 2012).
Walong taon na ang edad ng kanyang anak na lalaki.
Si Imelda ang pambato ng Kalibo, Aklan, sa Miss Universe Philippines 2026.
View this post on Instagram
ROXANNE BAEYENS
Gaya ni Imelda, Miss Philippines Earth winner din si Roxanne Baeyens, 28. Nagwagi siya noong 2020.
Bilang artista, Roxie Smith ang screen name ni Roxanne nang maging miyembro siya ng Sparkada ng Sparkle GMA Artist Center.
Siya ang kinatawan ng Baguio sa Miss Universe Philippines 2026.
View this post on Instagram
BELLA ysmael
Muling susubukan ni Bella Ysmael, 29, ang kanyang kapalaran sa Miss Universe Philippines.
Siya ang hinirang na first runner-up sa 1st Miss Universe Philippines na napanalunan ni Rabiya Mateo noong 2020.
Kilala si Bella bilang pamangkin ni Miss Universe 1973 Margarita Moran.
Si Bella ang official representative ng Parañaque City sa Miss Universe Philippines 2020.
Pero para sa seventh edition ng national beauty pageant, siya ang kandidata ng Taguig City.
Read: Karen Davila apologizes for “Nagpa-Patrol, Karen Davila” blooper
View this post on Instagram
Ashley Subijano Montenegro
Miss Eco Philippines 2022 at Miss Charm Philippines 2019 ang mga beauty title ni Ashley Subijano Montenegro, 26.
Siya ay anak ng dating TV host na si Hans Montenegro at ni Bb. Pilipinas-World 1994 Cara Subijano.
Girlfriend siya ni Santino Rosales, ang anak ng aktor na si Jericho Rosales.
Si Ashley ang kandidata ng Luisiana, Laguna, sa Miss Universe Philippines 2026.
View this post on Instagram
NICOLE BORROMEO
Si Nicole Borromeo, 25, ang kinatawan ng Cebu sa Miss Universe Philippines 2026.
Naranasan na niyang sumali sa international competition dahil siya ang official representative ng Pilipinas sa Miss International 2023 na ginanap sa Tokyo, Japan.
Hindi man napanalunan ni Nicole ang korona, siya ang hinirang na third runner-up sa Miss International 2023.
Kung papalarin si Nicole na magwagi sa Miss Universe Philippines 2026, masusundan niya ang mga yapak ni Ahtisa Manalo.
First runner-up si Ahtisa sa Miss International 2018, idineklarang Miss Universe Philippines 2025, at third runner-up sa 74th Miss Universe.
View this post on Instagram