PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Driver sa hit-and-run incident sa Cebu, negatibo sa liquor test

Pero iba ang kuwento base sa mga CCTV footage at video na lumabas.
by Jojo Gabinete
Published Feb 12, 2026
hit-and-run incident in cebu
A hit-and-run incident in Banilad, Cebu City, has gone viral after the suspect, 21-year-old Sean Andrew Pajarillo, tested negative in a liquor test—despite CCTV footage and circulating videos allegedly showing him appearing intoxicated before the tragedy that claimed the life of 23-year-old businessman Kingston Ralph Cheng.
PHOTO/S: Chat GPT

Lalong lumakas ang panawagang dapat panagutan ni Sean Andrew Pajarillo, 21, ang pagkamatay ni Kingston Ralph Cheng, 23.

Ito ay matapos lumitaw sa mga CCTV footage at video na nagpapakitang susuray-suray si Pajarillo sa paglalakad dahil sa sobrang kalasingan habang papunta siya sa parking lot ng pinanggalingan niyang club sa Paseo Saturnino, Barangay Banilad, Cebu City, noong Linggo, Pebrero 8, 2026.

Si Pajarillo ang pangunahing akusado sa pinag-uusapang hit-and-run incident na kumitil sa buhay ni Cheng, ang may-ari ng The Mill Lifestyle Café sa Ayala Center, Cebu.

Read: Anne Curtis denies saying "iconic" quote but also says "I'm gonna own it"

Ayon sa Cebu City Police Office Traffic Enforcement Unit (TEU), mabilis ang pagpapatakbo ni Pajarillo sa minamaneho nitong Toyota Innova na unang bumangga sa isang nakaparadang Toyota Vios.

Imbes na huminto, tumakas si Pajarillo.

Dahil sa kanyang lalong pinabilis na pagmamaneho, nabundol ni Pajarillo ang naglalakad na si Cheng. Tumama sa poste ang biktima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin huminto si Pajarillo matapos niyang mabangga si Cheng, na wala nang buhay nang dalhin sa ospital.

Sa isinagawang imbestigasyon, natuklasan ng mga pulis na walang lisensiya si Pajarillo para magmaneho.

Hindi rin siya nakapagpakita ng mga dokumento ng kanyang sasakyan.

PAJARILLO TESTED "NEGATIVE" FOR ALCOHOL

“Negatibo sa alcohol” si Pajarillo, ayon sa ulat ng information officer ng Cebu City Police Office (CCPO) na si Police Lieutenant Colonel Jose Los Baños.

Base ang pahayag ni Los Baños mula sa resulta ng alcohol testing na isinagawa ng ospital na pinagdalhan sa akusado.

Ikinadismaya at ikinagalit na mga sumusubaybay sa kaso ng pagkamatay ni Cheng ang sinabi ni Los Baños na hindi nakainom o lasing si Pajarillo nang mangyari ang insidente.

Para patunayang lango sa alak ang akusado, lumabas ang mga CCTV footage na nagpapakita sa kanyang hindi na makalakad dahil sa matinding kalasingan habang inaalalayan ng isang lalake papunta sa paradahan ng sasakyan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilabas naman ng isang nagmamalasakit na mamamayan sa social media ang video ng lasing na lasing na si Pajarillo habang nasa loob ng club, sumasayaw, at nagkakasiyahan ng kanyang mga kasama sa himig ng "Do It Again," ang kanta nina Pia Mia, Tyga, at Chris Brown.

Isa raw itong matibay na ebidensiyang uminom ng alak si Pajarillo ilang oras bago nangyari ang malagim na aksidente.

Nang lumitaw ang mga CCTV footage at video na nagpapakita na lango sa alak ang akusado, nagpaliwanag si Los Baños na maaaring negatibo ang resulta ng liquor testing kay Pajarillo dahil sa treatment priorities, legal protocols ng ospital, at permiso mula sa sangkot sa kaso kaya naantala ang pagsusuri.

Ayon sa police officier, 7:55 P.M. na ng Linggo, Pebrero 8, nang maisagawa ang liquor testing sa akusado.

Reckless imprudence resulting to homicide and damage to properties ang mga kasong isinampa laban kay Pajarillo.

Patuloy na tumatanggap ng mga batikos si Pajarillo dahil sa kapabayaan nito na kumitil ng buhay at sa kanyang “peace” sign photo habang nakaratay sa ospital.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Dawson's Creek star James Van Der Beek dies at 48

sean andrew pajarillo
Sean Andrew Pajarillo
Photo/s: X (Twitter)

PUBLIC OUTCRY

Malaking balita sa Cebu ang nangyaring trahedya.

Marami ang nagpapatotoong isang mabuting tao umano si Cheng kaya hindi nahihirapan silang tanggapin ang kanyang pagkawala nang dahil lamang sa iresponsableng pagmamaneho ni Pajarillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumuhos sa social media ang pagbibigay-pugay kay Cheng at pakikisimpatiya sa pamilyang naulila niya.

Nanggaling ang mga testimonya tungkol sa kabutihan ni Cheng mula sa mga taong hindi niya personal na kilala pero madalas daw nakakasalamuha sa kanyang café restaurant sa Ayala Center.

kingston ralph cheng
Kingston Ralph Cheng
Photo/s: Facebook

Bilang pakikiramay sa mga naulila ni Cheng, naglabas ng pahayag ng pakikiramay at panawagan sa mga kinauukulan ang Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) para magkaroon ng hustisya ang kanyang pagpanaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ccci statement on kingston ralph cheng death

Read: Korean actor Jung Eun Woo passes away at 40

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A hit-and-run incident in Banilad, Cebu City, has gone viral after the suspect, 21-year-old Sean Andrew Pajarillo, tested negative in a liquor test—despite CCTV footage and circulating videos allegedly showing him appearing intoxicated before the tragedy that claimed the life of 23-year-old businessman Kingston Ralph Cheng.
PHOTO/S: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results