PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, hindi matutuwa sa mga rebelasyon ng dating karelasyon

Babae, napuno na sa hindi pagbibigay ng sustento ng aktor sa kanilang anak.
by Jojo Gabinete
Published Feb 12, 2026
blind item karelasyon ng aktor
PHOTO/S: Chat GPT

Ang hindi pagtupad ng aktor sa mga obligasyon nito sa kanyang anak ang nag-udyok sa dating karelasyon niya para magsalita tungkol sa mga nangyayari sa kanilang personal na buhay.

Nang magwakas ang relasyon ng dalawa, nangako ang aktor sa ina ng batang hindi niya pababayaan ang kanilang anak.

Sinabi ng aktor na ipagpapatuloy nito ang pagbibigay ng tulong pinansiyal para sa pang-araw-araw na gastos ng bata.

Sa simula, tinupad ng aktor ang binitiwang salita.

Pero sa paglipas ng mga araw, naantala na ang pagpapadala niya ng monthly allowance sa anak nila.

Read: Edu nagpasaring sa mga personalidad na nandaya sa golf tournament

ENOUGH IS ENOUGH

Pilit na inunawa ng dating karelasyon ang sitwasyon ng aktor hanggang maubos na ang kanyang pasensiya dahil hindi na mabibilang sa daliri ang maraming beses na pagpaparaya niya.

At dahil sa nararamdamang panggigipit sa kanya ng aktor, nag-uumpisa nang magkuwento ang babae tungkol sa kawalan ng palabra de honor ng ama ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ikatutuwa ng aktor ang mga sasabihin ng babae.

Kapag nagsalita ang babae, tiyak na pagpipistahan ng publiko at magkakaroon ito ng epekto sa personal at propesyunal na buhay ng aktor.

Mapatatahimik lamang ng aktor ang babae na alam na alam ang kanyang mga kahinaan kapag hindi na siya pumalya sa pagbibigay ng sustento sa kanilang anak.

Read: Anne Curtis denies saying "iconic" quote but also says "I'm gonna own it"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results