Simula sa Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2026, balik sa paglalaro ng volleyball si Dylan Yturralde.
Si Dylan ang ex-housemate ng Pinoy Big Brother Gen 11 na binansagang "Astig Volleybae ng Pampanga."
Muling maglalaro si Dylan bilang isa sa mga team setter ng University of the East (UE) Red Warriors para sa UAAP Season 88 na opisyal mag-uumpisa bukas.
Hindi lumahok si Dylan sa UAAP Season 87 dahil matapos sumali sa Pinoy Big Brother Gen 11, nagkasunud-sunod ang kanyang mga showbiz commitment.
Pero hindi raw nawala ang volleyball sa puso at isip niya.
Read: PBB housemate Dylan Yturralde, matagal nang pangarap mag-artista
“Volleyball will always be my first love. Going back to the court and representing UE again has always been part of the plan,” pahayag ni Dylan sa Cabinet Files.
Hindi itinanggi ni Dylan na nangulila siya nang sobra sa paglalaro ng volleyball sa UAAP Season 87.
Pero tinapos muna niya ang kanyang mga acting project: ang Love At First Spike, Sins Of The Father, at Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Saad pa niya: “Na-miss ko yung maliliit na bagay, the daily routine and preparations.
"The thrill of warming up sa court knowing that there’s an opportunity to play in the UAAP, at yung mga bus ride with teammates going to the venue.”
Read: That's My Bae Kenneth Medrano diagnosed with testicular cancer; seeks help for surgery
DYLAN YTURRALDE READY FOR UAAP SEASON 88
Pinaghandaan daw mabuti ni Dylan ang UAAP Season 88 dahil nasasabik siyang muling makapaglaro ng volleyball.
Kuwento niya: “I have my ball training six days a week, minsan twice a day for six days plus weights training.
“With emphasis sa weights training last January dahil hinabol ko ang strength training ko in preparation for the season.
“I am excited and hopeful for the upcoming season.
"This is another chance to rewrite the story for the UE Red Warriors.
"And it’s always a privilege to represent the school, playing the sport I’ve been playing for thirteen years.”
Ano sa palagay niya ang pagkakaiba ng paglalaro niya sa UAAP Season 88 bilang showbiz personality na siya at marami na ang nakakakilala sa kanya?
“Wala naman sigurong pagkakaiba," sagot ni Dylan.
"Kung meron man, siguro yung sa maturity na lang sa paglalaro dahil nadadala ko ang past experiences ko sa games at nagta-translate sa mental toughness situations.”
Tanggap daw ni Dylan ang mga pagbabago sa kanyang buhay dahil sa pagsali niya sa Pinoy Big Brother Gen 11.
“Lalo kaming naging close ng pamilya ko, specifically my mom because bata pa lang ako, hindi na kami magkasundo.
“Siguro napanood niya ang episodes ng PBB kaya nagkaroon kami ng heart-to-heart talk.
“Regarding my investment from my showbiz earnings, I invested in experiences and memories. I traveled recently to Japan.
"And when possible, I treat the team to a meal kasi gusto kong ibalik sa kanila ang blessings na mga nakukuha ko.
"After all, isa sila sa mga dahilan kung nasaan man ako ngayon," saad ni Dylan.
Read: NEW FACES TO WATCH IN 2026: Eman, Elias, Marco, Tyke, Than