PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Producer, hindi pa bayad ang utang sa entertainment personality

Show producer, PHP5M ang utang sa entertainment personality.
by Jojo Gabinete
Published Feb 14, 2026
blind item entertainment personality
PHOTO/S: Canva

Mahigit sa limang milyong piso ang dapat bayaran ng isang show producer sa popular entertainment personality na hindi nawawalan ng pag-asag mababayaran siya.

Hindi nag-iisa ang entertainment personality.

Malaking halaga rin ang utang ng show producer sa ibang mga artistang dating kasamahan ng entertainment personality sa programa nilang nagsara.

Maraming beses nang nangako ang show producer na babayaran ang pagkakautang niya. Pero hanggang ngayon, walang katiyakan kung kailan matatanggap ng mga artista ang pinakahihintay na bayad para sa kanilang mga serbisyo.

Nalulungkot ang dating mga artista at staff ng programa sa tuwing nakikita nila sa social media ang mga larawan ng pagbabakasyon sa iba’t ibang bansa ng show producer.

Hindi nila matanggap ang alibi ng show producer na wala itong pera dahil sa madalas na pagbibiyahe niya sa mga lugar na pinupuntahan ng mga nakaririwasa sa buhay.

Read: Priscilla Meirelles reveals she and John Estrada are now divorced

FINANCIAL OBLIGATIONS

Mahal at malaki ang malasakit ng entertainment personality sa mga dating kasamahan sa programa na napamahal na sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung babayaran ng show producer ang utang sa kanya, kailangan din daw bayaran nito ang pagkakautang sa mga kaibigan niya.

Sinubukan ng Cabinet Files na hingin ang panig at paliwanag ng show producer tungkol sa financial obligations nito sa mga pinagkakautangang artista, pero hindi siya naglabas ng anumang pahayag.

Ang masaklap, pinagsabihan nito ang isa sa mga naniningil na artistang manahimik ito at huwag nang isapubliko ang mga hinaing.

Imbes na magpaawat, nainis ang naagrabyadong artista.

Hindi raw ito mapapahinto sa pagsasalita dahil ipinaglalaban lamang nila ang karapatan at binabawi ang pera na kanilang matagal nang pinagpaguran.

Read: BLIND ITEM: Aktor, hindi matutuwa sa mga rebelasyon ng dating karelasyon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results