Ngayong Sabado, Pebrero 14, 2026, ang ika-40 taon na anibersaryo ng Blusang Itim, ang drama fantasy movie ng Seiko Films na pinagbidahan nina Snooky Serna at Richard Gomez.
Ipinalabas ito sa mga sinehan noong Pebrero 14, 1986, ilang araw bago nangyari ang Edsa People Power Revolution na nagpatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos, Sr. bilang presidente ng Pilipinas.
Mga exclusive contract star sina Snooky at Richard ng Regal Films, ang movie outfit na pag-aari ni Mother Lily Monteverde.
Pero pumayag si Mother Lily na ipahiram sila kay Robbie Tan, ang producer ng Seiko Films.
Sa ekslusibong panayam ng Cabinet Files, kinumpirma ni Snooky na pagkatapos ng box-office success ng Blusang Itim ay nagkaroon ng legal battle sa pagitan niya at ni Robbie.
Ayaw na raw kasing payagan si Snooky ni Mother Lily na gawin ng aktres ang dapat sana'y pangalawang proyektong pagbibidahan niya sa Seiko Films.
"Umabot sa korte, nagkorte-korte sila ni Mother Lily," saad ni Snooky.
Halos ganito ang kuwento ni Robbie sa Cabinet Files noong July 2025.
Pero may pagkakaiba sa ibang detalyeng nabanggit ng aktres.
"Thankfully, inayos naman, isinoli yung downpayment," saad ni Snooky.
Taliwas ito sa sinabi ni Robbie na hindi na raw ibinalik ni Snooky ang PHP100,000 na downpayment niya sa talent fee ng aktres.
Ito ay sa kabila nang pagkapanalo raw ni Robbie sa korte noon. Direktang sinabi rin noon ni Robbie na si Snooky ang idinemanda niya.
Hindi malinaw kung aware si Snooky sa pahayag noon ni Robbie.
Sabi lang ni Snooky ukol sa isyu, "Hiyang-hiya ako noon kasi talagang ako yung naipit. Ang ganda pa naman dapat ng role sa second project ko sa Seiko, tailor-made for me."

Read: Top Suzara says Jinky Vidal not allowed to sing Freestyle songs
SNOOKY SERNA ON BOX-OFFICE SUCCESS OF BLUSANG ITIM
Ang tagumpay ng Blusang Itim sa takilya ang itinuturing ni Snooky na isa sa mga highlight ng kanyang 56-year old acting career.
Balik-tanaw pa ni Snooky: “I will never forget Blusang Itim kasi talagang naging launching pad ko for people who know me better.
"It’s not so much na kumita nang malakas sa takilya ang Blusang Itim, although it was the biggest blockbuster of the year.
"Ipinalabas ang movie during EDSA Revolution. When it happened, palabas sa mga sinehan ang Blusang Itim.
"Honestly, I was not expecting it will make money because of the chaos then. Paano pa manonood ng sine ang mga kababayan natin?
"But I was blessed and pleasantly surprised na may nanonood pa rin ng sine on the same day na nagpi-People Power tayo.”
ON REWARD FROM MOTHER LILY
Ano ang regalo niya sa sarili nang magtagumpay noon ang Blusang Itim? “
"I went to Hong Kong with Mother Lily. Nakakatawa nga kasi ang producer ng Blusang Itim, si Robbie Tan, pero ang nagbigay ng bonus, si Mother Lily," masayang alaala ni Snooky.
Hindi malilimutan ni Snooky ang pag-uusap nila noon ni Mother Lily bago at pagkatapos ipalabas ang pelikula.
"Nanghihinayang si Mother dahil hindi siya ang nag-produce ng Blusang Itim," pagbabalik-tanaw pa ni Snooky.
"Nung ginagawa pa lang namin ang Blusang Itim—I say this with fondness naman—sabi ni Mother, 'Naku hindi kikita iyan. Takot ako diyan dahil ang pamagat itim. Malas yan.'
"E, kumita ang movie. Sabi ni Mother, 'Sabi ko sa yo, kikita yan, e! O, punta tayo Hong Kong. Balato ko!
"Tapos na-inspire na siya na gumawa ng next movie ko.That was Paalam, Bukas Ang Kasal with Richard Gomez, right after Blusang Itim."
Read: Matteo, Sarah lead blessing of newly repaired restaurant
SNOOKY SERNA ON BABY IN THE MOVIE
Makulay ang iba pang karanasan ni Snooky sa shooting ng Blusang Itim.
"Ang dami kong fond memories when I did Blusang Itim, too many to mention," aniya.
Balik-tanaw pa niya: "Pero ang hindi ko makalimutan na eksena, yung kunwari nanganganak ako sa bridge. May baby, na ayokong sabihin na props, kasi human baby talaga.
"Naawa ako sa baby kasi muntik nang mamatay kasi ilang oras siya na nababad sa araw tapos nilagyan pa ng karo syrup ( na ginagamit na fake blood sa mga eksena sa pelikula)."

Makalipas ang 18 taon, hindi inaasahang nagkrus ang landas ni Snooky at ng kanyang baby sa Blusang Itim.
Lahad niya: "Ito ang catch, after how many years, may ginagawa akong television series noong 2004, Marina for ABS-CBN, si Claudine Barretto ang bida.
"May lumapit sa akin sa taping sa Calatagan, Batangas, sabi niya, ‘Tita Snooky, ako po yung baby na ipinanganak ninyo sa Blusang Itim.’
"Napaiyak talaga ako kasi I thought na baka may nangyari noon sa baby. Thankfully, you can just imagine, totoo ang belief ko na nabuhay siya.
"Lalake siya, ang guwapo-guwapo niya. Pero I’m sorry, nalimutan ko yung name niya."
Ayon kay Snooky, si Alma Moreno at hindi siya ang first choice para magbida sa Blusang Itim.
"Ang unang in-offer para magbida sa Blusang Itim, si Alma Moreno kaya lang hindi siya available noon.
"Siguro talagang meant to be, sa akin napunta ang role. Pero ang first choice talaga, si Alma," ani Snooky.