PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mygz Molino, hindi na hawak ang YouTube channel ni Mahal

Mygz Molino, may sariling negosyo at aktibo sa paggawa ng mga pelikula.
by Jojo Gabinete
Published Feb 15, 2026
Mygz Molino, hindi na hawak ang YouTube channel ni Mahal; may sariling negosyo at aktibo sa paggawa ng pelikula
Mygz Molino, nilinaw na galing sa kita ng sariling YouTube channel ang ginagamit sa outreach activities.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @mygz.molino Instagram

Ang Kappa-Tiran, Coming Home, at Graduation Day ang mga pelikula na pinagkakaabalahan ng aktor at vlogger na si Mygz Molino.

Read: Mygz Molino, kumusta apat na taon matapos pumanaw ni Mahal?

Nagpapasalamat siya dahil sunod-sunod ang kanyang mga proyekto.

Ipapalabas sa mga sinehan sa Marso 25, 2026 ang Graduation Day, na pinagbibidahan ni Jeric Gonzales.

Kasama rin ni Mygz si Jeric sa Coming Home, ang pelikula nila na kinunan sa Hong Kong ang mga eksena pero hindi pa tapos ang shooting.

Graduate si Mygz ng B.S. Computer Engineer sa Technological Institute of the Philippines Manila.

Pero napakinabangan niya ang kanyang kurso sa loob lamang ng dalawang taon nang magtrabaho siya sa Taiwan bilang machine engineer.

Nang pumasok si Mygz sa showbiz at natuto na mag-negosyo, hindi na niya naranasan na magtrabaho sa ibang mga kompanya.

Nagbukas daw siya ng perfume business, ang Glemo, at nagtatag ng sariling foundation, ang Kabunso Yakap Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila wala pang official website ang foundation ni Mygz, at sa mga vlogs niya nakikita ang outreach activities niya.

"Mostly, ang mga kababayan po natin na PWD [persons with disability] ang focus ng Kabunso Yakap Foundation,” pagbabahagi ni Mygz sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files.

"Binibigyan namin sila ng mga libreng gamot, pampaayos ng mga bahay at puhunan para makapagbukas sila ng mga negosyo tulad ng restaurant at sari-sari stores.

"Kinukuha ko po mula sa mga kinikita ng YouTube channel ko na may 1.6 million subscribers ang pondo para sa foundation ko.

"Nung time na binuo ko ang Kabunso, kasama ko pa si Mahal."

Read: YouTuber Mygz Molino, Mahal living together

MYGZ MOLIN0 ON MAHAL

Hindi niya naiwasang banggitin ang kanyang kaibigan na si Mahal.

Nagsama sila sa iisang bahay mula July 2020 hanggang sa pumanaw ang comedienne noong Agosto 3, 2021 dahil sa COVID.

Noong nabubuhay pa si Mahal, madalas ay magkasama sila ni Migz sa vlogs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Mygz, may ibang YouTube channel noon si Mahal.

"Ginawan ko siya ng sariling YouTube account para yung lahat ng mga kinikita niya dati sa kanya mapupunta," ani Mygz.

May 860,000 subscribers ang YouTube channel ni Mahal. Ang pamilya na ni Mahal ang namamahala nito.

"Tuloy-tuloy po ang YouTube channel ni Mahal. Ang family na niya ang may-hawak. Ibinigay ko po sa kanila ang access para kahit papaano, wala nang isyu," paliwanag ni Mygz.

Nanindigan siya na salat sa katotohanan ang mga paratang na ginamit niya noon si Mahal para sa sariling kapakanan.

Read: Mygz Molino recounts last moments of Mahal: "Naghahabol po ng hinga."

on his hard work

Sa kasalukuyan, ang kanyang acting career at ang mga bagay na kinahihiligan ang pinagtutuunan ni Mygz ng atensyon.

"Naka-focus po ako ngayon sa mga charity work ko, painting, perfume business, dahil para sa sarili ko, kayang-kaya ko na gawin ang isang bagay kung gugustuhin ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"May tiwala po ako sa sarili kaya lahat puwede kong pasukin," kumpiyansang saad ni Mygz.

Wala siyang plano na talikuran ang showbiz, lalo na ngayong unti-unti na siyang gumagawa ng sariling pangalan at nakalalaya na mula sa anino ni Mahal.

"Yung showbiz career ko, hanggang kaya, hangga’t meron, hangga’t may nagtitiwala, sige lang nang sige,” pagtatapos ni Mygz.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mygz Molino, nilinaw na galing sa kita ng sariling YouTube channel ang ginagamit sa outreach activities.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @mygz.molino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results