Ipinag-utos ng Seoul High Court na magbayad ng 880 million won o PHP35 million ang KeyEast Entertainment para sa damages lawsuit na inihain ng Victory Contents.
Ang Victory Contents ang producer ng River Where the Moon Rises, ang K-drama series na ipinalabas at napanood sa South Korea mula Pebrero 15, 2021 hanggang Abril 20, 2021.
Ang KeyEast Entertainment ang talent management agency na dating namamahala sa showbiz career ng South Korean actor na si Ji Soo, 32.
Si Ji Soo ang male lead sa River Where the Moon Rises, kung saan katambal niya si Kim So Hyun.
Pero boluntaryo siyang nagpaalam sa programa dahil sa mabigat na akusasyong sangkot siya sa mga kaso ng bullying at sexual abuse.
Read: EXPLAINER: What fuels cancel culture in South Korea?

BULLYING ALLEGATIONS AGAINST JI SOO
Lumitaw noon sa online ang mga post mula sa mga taong nagsabing bullying victim umano sila ni Ji Soo.
Inamin ng aktor ang ilan sa mga paratang at humingi siya ng paumanhin sa pamamagitan ng handwritten apology letter.
Nakasaad sa kanyang sulat: “These were unforgivable actions. I sincerely apologize to everyone who was harmed by me, kneeling down.”
Matindi ang naging epekto sa personal at propesyunal na buhay ni Ji Soo ang mga paratang laban sa kanya na naging isang malaking eskandalo noon sa bansa nila.
Nakapag-taping na si Ji Soo para sa anim na kabanata ng River Where the Moon Rises nang talikuran niya ang programa at palitan siya ni Na In Woo bilang bida.
Read: Kim Ji Soo says working with Filipino co-stars is "very fun"

THE LAWSUIT
Idinemanda ng Victory Contents ang KeyEast Entertainment noong 2021 dahil sa perhuwisyong idinulot ng eskandalong kinasangkutan ni Ji Soo.
Nakasaad sa reklamo ng Victory Contenst: "The drama was produced in advance and filming was almost complete, but the actor had to be replaced, forcing us to reshoot all of the relevant scenes.
"As a result, we incurred direct losses including various staff expenses, location and equipment fees, and appearance fees, and we continue to suffer enormous damage such as lower ratings and complaints from overseas clients.
"We tried to negotiate with KeyEast to recover the damages, but due to the other party's lack of cooperation, we were left with no choice but to file a lawsuit."
Three billion won ang halaga ng danyos na hiningi ng Victory Contents.
Pero mula sa 1.42 billion na unang ipinag-utos ng korte, nabawasan ito at naging 880 million won na lamang.
Dahil sa mga reklamo laban kay Ji Soo, hindi na siya nagkaroon ng mga proyekto sa South Korea.
Noong 2024, sinubukan niya ang kanyang kapalaran sa Pilipinas.
Hindi nabigo si Ji Soo dahil nabigyan siya ng Kapuso Network ng mga acting assignment: Black Rider, Abot-Kamay Na Pangarap, Sanggang Dikit, at Never Say Die.
Read: K-drama actor Kim Ji Soo officially signs with GMA's Sparkle