PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Izzy Trazona, mali ang paratang sa PEP na "pagdagdag ng words"

PEP, may paglilinaw tungkol sa akusasyon ni Izzy Trazona.
by Jojo Gabinete
Published Feb 15, 2026
izzy trazona fast talk
Former SexBomb Girls member Izzy Trazona accuses PEP of adding words to her post about trans daughter Sofia; PEP clarifies the quote came from our actual interview with her, not her social media post.
PHOTO/S: GMA Network

Walang katotohanan at mali ang akala ng dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona na dinagdagan ng PEP (PHilippine Entertainment Portal) ng mga salita ang Facebook post niya noong Pebrero 11, 2026.

Kaugnay ito ng isyung kawalan umano nila ng komunikasyon ng kanyang anak, ang trans woman na si Andrei "Sofia" Trazona.

Sa kanyang personal Facebook account kahapon, Pebrero 14, ay tinawag ni Izzy ang pansin ng PEP dahil sa "pagdadgdag ng words" sa post niya.

Wala raw siyang sinabing ganun.

Read: Trans woman na anak ni Izzy, inaming di na sila nagkikita ng ina

Sabi ni Izzy (published as is): "Hello 'pep.ph'

"Bakit po may pagdagdag ng words. Malayo po sa post ko.

"Wala naman po ako sinasabing ganyan, naka-highlight papo ang mga dagdag hehe!

"Mali po yun, dapat totoo lang po. Para mapagkakatiwalaan ang news nyo po."

Kalakip ng kanyang mensahe ang link ng artcard na ibinahagi ng PEP kung saan tampok ang kanyang quote.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad dito: “Hindi totoo yon kasi kaka-message lang niya sa akin. Nagme-message kami.

“Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin yon. Not true po.

"Kasi last message niya sa akin, ‘I am very proud of you na you are standing for what is right and naiiyak ako because nagpunta ka sa concert.’

“Sabi ko, ‘Thank you, anak. By the grace of God and I miss you.’

“Sabi ko sa kanya, 'I love you.'

“Sabi niya, ‘I miss you too.’ May ganoon siya.

"Kaya ngayon, nabasa ko kanina, bakit ganoon? Naguguluhan ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OUR INTERVIEW WITH IZZY TRAZONA AT FAST TALK STUDIO

Naninindigan ang PEP na ang nailathalang pahayag niya ay mula sa kanyang sariling bibig.

Maaaring nalimutan ni Izzy ang aming pag-uusap sa studio ng Fast Talk With Boy Abunda pagkatapos ng guesting nila ng kanyang asawa na si Alvin Aragon noong Pebrero 10.

Dahil hindi namin personal na kilala si Izzy, nakisuyo kami sa isang staff member ng programa na kausapin siya kung puwedeng magtanong kami tungkol sa X (dating Twitter) post ng kanyang anak na may petsang Pebrero 10.

Ayon kay Sofia, hindi na sila nagkikitang mag-ina.

Tweet niya (published as is): “di na po kami nagkikita ni mama

"i also am scared na pagnakita niya na ako ngayon as a transwoman, iba yung reaction na mareceive ko

"and ayoko na bumalik sa dark place nung lumabas yung issue i just want validation and acceptance. wala ng iba

"it’s honestly so sad na di na ko nakakapunta sa mga reunion sa mom’s side, even birthdays"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng Fast Talk staff member kay kay Izzy, “Puwede ka ba raw kausapin ni Jojo tungkol sa anak mo? Taga-PEP siya.”

Sagot ni Izzy, “Okay lang po.”

Lumapit si Izzy sa lugar na kinaroroonan namin.

Kung maaalala niya, pinuna pa namin ang pagkakahawig nila ng dating aktres na si Jackie Forster at nagpasalamat pa siya.

Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark

VERBATIM QUOTE FROM IZZY TRAZONA

Nang itanong namin ang reaksiyon ni Izzy tungkol sa X post ng kanyang anak, walang labis, walang kulang, at lalong walang dagdag ang pahayag niya na aming isinulat.

Ipapaalala rin namin kay Izzy ang kanyang nagulat na reaksiyon nang magtanong kami tungkol sa opinyon niya sa “big operation” sa susunod na buwan ni Sofia.

Mapatutunayan ni Izzy na hindi nagkakalayo ang Facebook post nito at ang artikulo ng PEP kung pagkukumparahin niya dahil may aktuwal na interbyu nga sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Izzy Trazona, itinangging wala silang komunikasyon ni Sofia

Pero kung ipipilit ni Izzy na dinagdagan ng PEP ang mga pahayag nito sa Facebook post niya, handa ang Cabinet Files na paliwanagan siya nang personal tungkol sa kanyang akusasyon.

Handa rin ang Cabinet Files na iharap kay Izzy ang mga saksi sa aming pag-uusap bilang patunay na siya ang nagdagdag ng salita dahil pinili niyang pairalin ang maling akala.

At sa mga susunod na pagkakataon, magdadalawang-isip na kaming kausapin at paniwalaan ang mga sasabihin at sinasabi ni Izzy.

Siya rin ang nagbigay ng rason para pagdudahan ang kanyang kredibilidad dahil sa kanyang kakayahang itanggi ang mga salitang siya mismo ang nagbitaw.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former SexBomb Girls member Izzy Trazona accuses PEP of adding words to her post about trans daughter Sofia; PEP clarifies the quote came from our actual interview with her, not her social media post.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results