Nakabalik na sina Rabin Angeles at Angela Muji mula sa ilang araw na pamamalagi nila sa Dubai.
Dumalo sila sa Barrio Fiesta 2026 na ginanap sa Zabeel Park, Gate 5, Dubai, United Arab Emirates, noong Pebrero 8
Ang pagdalo nina Rabin at Angela sa Barrio Fiesta Dubai 2026 ang unang pagkakataong magkasama silang bumiyahe sa ibang bansa.
Read: Rabin Angeles and Angela Muji: Made to Last
RABIN AND ANGELA IN FASHION FACTOR
Para kay Rabin, hindi makalilimutang karanasan ang Dubai trip nila ni Angela.
Pero ang kanilang pagrampa sa Fashion Factor ang isa sa mga pinahahalagahan niya.
Ang Fashion Factor ang premier at high-profile fashion event ng mga international designer sa pinakamalawak na private runway kaya malaking karangalan daw na nagkaroon sila ni Angela ng partisipasyon dito.

“Sobrang kakaibang experience po sa akin ang paglalakad o pagrampa sa Fashion Factor kaya nagpapasalamat po ako. Excited po ako na makabalik uli sa Dubai,” sabi ni Rabin sa Cabinet Files.
“Unforgettable po ang lahat ng experiences namin ni Angela sa Dubai.
"Sobrang happy po ako na nakapunta ako doon dahil sa mainit na pagtanggap sa amin ng ating mga kababayan.
“Nakakatuwa po ang mga kapwa natin Pinoy na nagtatrabaho sa Dubai kaya naalaala ko nang maging OFW din ang mommy ko.
“Nag-enjoy din ako sa mga lugar na aming pinuntahan, sa Dune Bashing at yatch ride.”
Read: Review: A Werewolf Boy soars on RabGel’s chemistry
SOUVENIR ITEMS
Para naman kay Angela, ang meet-and-greet sa fans at ang mga tourist destination na pinuntahan nila ni Rabin ang nagmarka nang husto dahil nagbigay raw ito ng matindi na kasiyahan sa kanya
Pagbabahagi niya: “Ang unforgettable experiences ko po was our yatch ride sa Marina.
“Saka meeting with fans and sponsors, pati po ang Dune Bashing sa Safari Desert.
“Everyone was so nice and welcoming kaya feel na feel namin ang pagmamahal ng mga OFW and even the locals."
Pabango, bag, at isang pares ng hikaw na ginto ang mga binili ni Angela bilang souvenir mula sa unang pagbisita nila ni Rabin sa Dubai.
Read: Rabin Angeles at Angela Muji, natuloy na ang biyahe sa Dubai