PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michelle Dee balik-social media; "nilaro" ang nawawalang angpao?

Michelle Dee, may ipinapahiwatig sa kanyang lirato na may hawak na angpao?
by Jojo Gabinete
Published Feb 17, 2026
michelle dee angpao
Beauty queen-actress Michelle Dee draws attention after posting a photo of herself holding an angpao on Chinese New Year. Netizens were quick to speculate whether she was alluding to the alleged missing angpao said to contain “sensitive content.”
PHOTO/S: Instagram

Aktibo na muli si Michelle Dee sa social media matapos siyang akusahan ng illegal detention at physical assault ni Bonifacio Baro, ang dating driver at personal assistant ng kanyang kaibigan na si Rhian Ramos.

Celebrity ambassador ng isang bangko si Michelle.

Sa social media post niya noong Martes, Pebrero 17, 2026, ibinahagi ng Miss Universe Philippines 2023 ang larawan nitong may hawak na angpao na may bank logo.

Sa caption, binati niya ang lahat ng "Gong Xi Fa Cai" dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong araw.

Si Michelle ay may dugong Chinese.

Read: Michelle Dee, sinampahan ng qualified theft ang driver ni Rhian

Naniniwala ang ilang netizens na may nais ipahiwatig si Michelle sa kanyang social media post.

Ang nawawalang angpao na naglalaman ng maseselang imahe, na ninakaw umano ni Baro, ang pinagmulan ng kanilang mabibigat na paratang laban sa isa’t isa na humantong sa korte.

Kabilang sa mga unang nagkomento sa post ni Michelle ay si Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makahulugang mensahe ng Kapuso actress sa post ni Michelle, "May your ampaos be filled."

Sinagot ito ni Michelle ng “with.”

View this post on Instagram

A post shared by MMD ???????? (@michelledee)

Magkasama sina Michelle at Rhian na naninirahan sa isang condominium building sa Makati City na sinasabing pinangyarihan ng insidenteng kinasangkutan nila at ng driver ni Rhian.

Read: Rhian at Michelle, inireklamo ng torture at illegal detention

THE MISSING ANGPAO FINALLY "FOUND"?

Para sa ibang netizens na nakakita ng Instagram post ni Michelle, kung saan may hawak siyang angpao, tila "nilaro" ng actress-beauty queen ang maselang usapin na kinasasangkutan nito.

Ito ang ilan sa mga komento ng followers ni Michelle sa kanyang post:

"Nilaro nyaaaa I LOVE IT!!! Hahahaha"

"Ayun naman pala eh. Maghintay kasi kung bibigyan o hindi."

"kanino mo ipapasa mhie sa second slide kay rhian? LARO HAHAHA"

"Hahaha eto pa yung Mahiwagang Ampao. Pasavog!"

"Ayan binibigay dapat, hindi ninanakaw"

"Naibalik na pala yang AmmmmPaooo? laro ka miiiii lalo mo ginigigil bashers! Happy CNY"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Happy Chinese New Year naway manahimik na silang lahat dahil ayan na kita nyo na ang AMPAW… lagyan ng Pei Pak Wa yarrn"

"Hahahaha nilalaro na Niya. Pero d halata belong ka naman sa Chinese so ampao is normal lang sa'yo"

Read: Mga ina nina Rhian Ramos at Michelle Dee, umalma sa mga alegasyon

LEGAL BATTLE

Naghain ng reklamo si Baro laban kina Rhian at Michelle sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI), pero hindi pa siya pormal na nagsasampa ng demanda.

Gaya ni Baro, dumulog si Michelle sa Cybercrime Division ng NBI noong Lunes, Pebrero 16, para maghain siya ng asunto laban kay Christian Albert "Xian" Gaza at sa ibang content creators na naglabas umano ng fake news tungkol sa isyu nila ni Baro.

Nagsadya rin si Michelle sa tanggapan ni NBI Director Atty. Lito Magno para sa kanyang courtesy call at para magtanong tungkol sa estado ng illegal detention at physical assault complaints ni Baro laban sa kanila nina Rhian at Samantha Panlilio.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nangako si Michelle kay Magno na makikipagtulungan siya sa imbestigasyon para matiyak na limitaw ang katotohanan tungkol sa mga paratang ni Baro laban sa kanya.

Read: Michelle Dee, sinampahan ng cyber libel si Xian Gaza

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queen-actress Michelle Dee draws attention after posting a photo of herself holding an angpao on Chinese New Year. Netizens were quick to speculate whether she was alluding to the alleged missing angpao said to contain “sensitive content.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results