PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo Aquino, na-high blood sa shooting ng pelikula nila ni Bela

Bela Padilla, ibinahagi ang "special memory" sa shooting nila ni Carlo Aquino.
by Jojo Gabinete
Published Feb 18, 2026
carlo aquino bela padilla a special memory
Bale Padilla shares two memorable on-set moments with leading man Carlo Aquino while filming A Special Memory.
PHOTO/S: Viva Films Facebook

Ang pagtaas ng blood pressure ni Carlo Aquino at ang fear of heights nito ang dalawa sa mga hindi malilimutang eksena ni Bela Padilla sa shooting nila para sa A Special Memory, ang kanilang pelikulang ipalalabas sa mga sinehan sa Marso 11, 2026.

Nagkuwento si Bela tungkol sa mga insidenteng nangyari sa set ng A Special Memory sa media conference ng naganap sa Cinema 17 ng Gateway 2 Mall sa Cubao, Quezon City, nitong Miyerkules, Pebrero 18, 2026.

Read: Carlo Aquino steps away from “suplado” era; learns to open up

“Ang special memory ko, may eksena kami ni Carlo na heavy scene, magbabasag siya ng plato. So, dahil budget.com kami, one camera lang nang araw na yon,” pagbabalik-tanaw ni Bela.

“Kailangan kong hintayin yung camera na lumipat sa akin at mag-focus, so I had to wait for a cue tapos sobrang tagal na. Kanina pa nabasag yung plato, wala pang nag-cue sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagtingin ko, si Carlo, nasa sahig. Parang muntik na siyang mag-pass out or nag-pass out. Na-highblood si Carlo sa eksena.

“Si Carlo kasi kapag hindi kami nagte-take, kapag lunch, ang gusto niya kainin, like liempo, taba ng baboy.

“Siguro dahil sobrang payat niya, akala niya, okay siya. Hindi kumakain ng gulay.

"Ang gusto niya, kape, maraming kape. So, na-high blood po siya sa set.

“Nagbasag siya ng plato, talagang ang BP niya tumaas. Pack-up na pala kami.

"That’s the most special memory for me na kinabahan ako,” salaysay ni Bela.

Read: Carlo Aquino, nagkaroon ng health scare ngayong 2025

BELA PADILLA ON CARLO AQUINO'S HEALTH

Nag-alala raw ang aktres para sa kalusugan ni Carlo, pero hinangaan niya ang aktor dahil sa ipinamalas na propesyunalismo.

“Sabi ko, ang tagal kong niligawan itong pelikulang ito, hindi pa yata matutuloy,” nakangiting sabi ni Bela.

“Right after that, they checked his blood pressure. They gave him something to smell, meds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He wanted to shoot right after [the incident]. Ayaw na naming lahat kasi nag-violet na yung labi niya, gusto pa niya mag-shooting.

“Kinausap ako ni Direk [Jerry Lopez Sineneng], sabi niya, 'Anak, sa ibang araw na natin itutuloy.’ 'Ay, opo Direk.'

“So, kinalimutan ko na yung eksena, tumigil na akong umiyak. Biglang si Carlo, nakita ko, sumesenyas, ‘No Direk, one more.’

“Sobrang galing masyado. Sobrang propesyunal, ayaw niyang umuwi. Pero hindi, pinauwi na namin siya.

"Ang daming nangyari sa set, health scares, rain, near-death experiences.

“Funnily overall, I think this is one of my lightest projects to date. It’s so easy to be on set like Direk Jerry said, walang masyadong pressure. It was very easy.”

Read: Sue, Rica, Mikoy, IC, Joy react to Alvin Aragon’s controversial religious stand

BELA ON CARLOS' FEAR OF HEIGHTS

Si Bela ang nagboluntaryong nagkuwento tungkol sa phobia ni Carlo sa matataas na lugar kaya nagkaroon ng isyu nang kunan ang eksena nila sa isang theme park sa Tagaytay City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It wasn’t bad,” paglilinaw ni Bela tungkol sa napabalitang “confrontation scene” sa pagitan nina Carlo at Direk Jerry.

“Sinabi na kasi ni Carlo, umaga pa lang, hindi siya sasakay sa rides, pero sa Fun Ranch kasi yung shooting namin.

"Ang tanda-tanda na naming dalawa. Kung yung train na maliit na pambata lang ang sasakyan namin, hindi believable.

“So, sabi ko, 'Carlo, kailangan nating sumakay kahit isang ride lang.' Gusto niya, dun lang kami sa train na pang-four years old lang yon.

“Sabi ko, 'Carlo, this is not gonna work. Kailangan natin ng ibang ride. Kahit dun tayo sa Anchors Aweight, pero sa gitna lang tayo umupo.'

"Sa gitna kami umupo. 'Wala ka talagang mararamdaman, promise.'

“Pero parang nagalit si Carlo at one point. Parang may isinigaw siya.

"I think Direk Jerry approach the set, mostly also to protect the staff.

“Yun ang naramdaman ko kasi may sinabi si Carlo na one word. I think you called them out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Ooops, pumayag kang i-shoot ito so huwag kang magagalit.' It’s more like that.

"Hindi siya away pero nag-violet ang labi ni Carlo ulit nung araw na yon," pagbabahagi ni Bela.

Ang A Special Memory ay Philippine adaptation ng Pure Soul, ang 2001 Japanese drama series na inspirasyon ng 2004 South Korean movie na A Moment to Remember.

Read: Jopay Paguia reveals she hesitated returning to SexBomb Girls due to religion

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bale Padilla shares two memorable on-set moments with leading man Carlo Aquino while filming A Special Memory.
PHOTO/S: Viva Films Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results