PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Louise, pinaghahandaan na ang French Riviera-themed wedding

Louie delos Reyes, wala pang napipiling venue na pagdarausan ng kanilang kasal.
by Jojo Gabinete
Published Feb 19, 2026
jino louise wedding
Louise delos Reyes and fiancé Jino Brion are set to tie the knot in 2027, but the actress reveals they have yet to secure a venue for their French Riviera–themed wedding.
PHOTO/S: Instagram

Sa press conference ng pinakabagong project niya na ginanap ngayong Huwebes, Pebrero 19, 2026, ibinahagi ni Louise delos Reyes ang mga paghahanda sa nakatakdang pagpapakasal nila ng kanyang fiancé na si Jino Brion sa 2027.

Bida si Louise sa She’s Not My Sister, ang seryeng napapanood sa Viva Movie Box, ang kauna-unahang Pinoy micro-drama streaming platform.

Hindi ipinagkaila ni Louise na medyo nahirapan sila ni Jino Brion sa paghahanap ng pagdarausan ng kanilang pag-iisang dibdib dahil fully-booked na ang simbahang napupusuan nila.

Kuwento ng aktres: “Meron kaming gustong church talaga sa Sta. Rosa [Laguna], pero October pa lang, nag-o-open na yung dates nila. So, puno na.

“Ang natira na lang, August, na ghost month kasi. Pero wala rin kaming masyadong gusto na day.

"Ayaw rin namin yung parang walang meaning yung day sa amin. Kaya sabi namin, maghanap na lang kami ng iba na puwedeng all in, nandoon na lahat, less hassle.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bulacan Vice Governor Alex Castro, ayaw patulan si Alvin Aragon

FRENCH RIVIERA-THEMED WEDDING

Kinakaya pa ni Louise ang mga paghahanda para sa French Riviera-themed wedding nila ni Jino na gaganapin sa 2027, kaya hindi pa siya kumukuha ng serbisyo ng wedding planner, kahit nangungulit na ang ibang mga supplier.

Kuwento niya: “Meron talagang mame-pressure sa yo kahit sabihin mo na, 'We’ll get back to you.’

“Gusto nila, ngayon na talaga magre-reply, kasi may ibang tao na tumitingin sa date. Tapos may hidden fees.

"So, hindi mo naman masisisi kasi business nila yon

"Pero siguro ang na-discover ko sa amin ni Jino, sobrang team talaga kami. Since alam namin ang gusto for the wedding, medyo smooth siya ngayon na tumatakbo.

"Sana hanggang huli."

Ang French Riviera, na tinatawag ding Côte d'Azur, ay Mediterranean coast sa southeastern France. Matatagpuan dito ang sikat na beach resorts gaya ng Saint-Tropez at Cannes, pati na ang sovereign city-state na Monaco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Louise, “At since mahilig sa blue si Jino at mahilig ako sa garden, parang garden na French Riviera ang theme.

“Hindi namin kayang magpakasal sa ibang bansa, mahal, saka iba rin yung documents.

"So, dadalhin namin dito [sa Pilipinas] ang French Riviera.”

Read: Jopay Paguia hesitated returning to SexBomb Girls due to religion

THE WEDDING GUESTS

Sa kasalukuyan, 100 ang bilang ng mga bisita na nais nina Louise at Jino na imbitahan sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.

Hindi pa sinasabi ni Louise ang lugar na pagdarausan ng kasal nila, pero tiniyak niyang mapupuntahan ng mga bisita.

“Ang hirap naman kung ilalayo namin. Siyempre, may mga gusto rin kaming makapunta na talagang close sa amin, family members.

“Pero kailangan talaga mag-meet halfway. Medyo malayo pero kaya pa rin puntahan,” sabi ni Louise.

Ayon din sa aktres, kasama sa plano nila ni Jino ang isang European honeymoon.

Read: Alvin Aragon calls out Alex, Sunshine over SexBomb reunion

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Louise delos Reyes and fiancé Jino Brion are set to tie the knot in 2027, but the actress reveals they have yet to secure a venue for their French Riviera–themed wedding.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results