PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Laguna SK chairman, nagbitiw sa puwesto dahil sa kontrobersiya

Mark Adrian Napiza, nagbitiw bilang "pagdidisiplina sa sarili."
by Jojo Gabinete
Published Feb 20, 2026 | Updated Feb 20, 2026
mark adrian napiza resigns
Mark Adrian Napiza resigns as Sangguniang Kabataan chairperson of Brgy. Bubukal, Santa Cruz, Laguna, following the viral video showing him touching displayed food items with his bare hands inside a convenience store.
PHOTO/S: Facebook / Tiktok

Nagbitiw si Mark Adrian Napiza bilang chairman ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna.

Ito ay kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya: ang paghawak niya sa mga siopao at hotdog na paninda ng isang convenience store noong Pebrero 15, 2026.

Umani siya ng mga batikos at pagkondena dahil sa kanyang inasal.

Mabilis na kumalat ang video ni Napiza habang hinahawakan nito ang mga pagkaing itinitinda sa convenience store kaya naging pambansang usapin ang ginawa niya.

Read: SK Chairman sa Laguna binatikos sa insidente sa convenience store

napiza's resignation letter

Pebrero 20, 2026 ang petsa ng pagbibitiw ni Napiza sa tungkulin.

Ito ang kabuuan ng nilagdaang liham ng pagbaba ni Napiza mula sa kanyang posisyon:

“Ako po si Mark Adrian P. Napiza ay nagbibitiw sa aking tungkulin bilang SK Chairperson ng Barangay Bubukal, Santa Cruz, Laguna.

“Naging masaya po ako sa paglilingkod bilang isang Sangguniang Kabataan Chairperson ng mahigit kumulang walong taon sa aming barangay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nais ko po magpasalamat sa lahat ng aking nakasama bilang isang lingkod-bayan, sa buong Sangguniang Barangay ng Bubukal, Sangguniang Kabataan ng Bubukal, Pamahalaang Bayan ng Santa Cruz at sa Pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan sa bayan ng Santa Cruz, Laguna.

“Sa lahat ng masasayang gawain bilang isang lingkod-bayan at sa mga aral na aking natutunan na aking dadalhin, kahit saan man ako makarating. Asahan niyo pa rin ang aking kooperasyon sa lahat ng programa ng Sangguniang Kabataan sa ating bayan.

“Bilang pagdidisiplina sa aking sarili dahil sa aking nagawang mali bilang isang lingkod-bayan, ako ay kusang-loob na bumababa sa aking tungkulin bilang SK Chairperson ng Barangay Bubukal, epektibo rin ngayong araw, ika-20 ng Pebrero 2026.

"Maraming-maraming salamat po.”

Read: Laguna SK chairman, nag-apologize sa convenience store incident

Bago ang pagbibitiw sa puwesto ni Napiza, nauna nang naghain ng administrative complaint (for conduct prejudicial to the best interest of the service) laban sa kanya si Sta. Cruz, Laguna Mayor Benjo Agarao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa naglalabas ng pahayag si Agarao kung itutuloy pa nito ang reklamo laban kay Napiza, na nagpadala ng sulat ng pagbibitiw kay SK Federation Chair Mark Anthony Molina.

Read: SK chairman, sinampahan ng reklamo ng Sta. Cruz, Laguna mayor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Adrian Napiza resigns as Sangguniang Kabataan chairperson of Brgy. Bubukal, Santa Cruz, Laguna, following the viral video showing him touching displayed food items with his bare hands inside a convenience store.
PHOTO/S: Facebook / Tiktok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results