PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cremated remains ni Vangie Labalan, iuuwi ng Pilipinas

Magkakaroon ng dalawang gabi na lamay para kay Vangie.
by Jojo Gabinete
Published Feb 21, 2026
Cremated remains ni Vangie Labalan, iuuwi ng Pilipinas mula sa Australia; magkakaroon ng dalawang gabi ng lamay
Ibuburol ang cremated remains ng veteran character actress na si Vangie mula Pebrero 28 hanggang Marso 1, 2026 sa The Ascencion Columbary and Chapels sa 332 G. Araneta Avenue, Quezon City.
PHOTO/S: File

Nais ipabatid ng naulilang pamilya sa mga nagmamahal at nakatrabaho ng award-winning character actress na si Vangie Labalan na magkakaroon ng dalawang gabi na lamay para rito.

Read: Veteran actress Vangie Labalan passes away at 83

Iuuwi ang cremated remains ni Vangie mula sa Sydney, Australia papuntang Pilipinas.

Pumanaw si Vangie sa edad na 83 sa Sydney noong Pebrero 12, 2026.

Naulila niya ang kanyang apat na anak at siyam na apo.

Isang funeral service na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang idinaos noong Pebrero 19 sa Mary Mother of Mercy Chapel and Crematorium bago iuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi.

Casket of Vangie Labalan during a wake at a chapel in Australia
Casket of Vangie Labalan during a wake at a chapel in Australia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibuburol ang cremated remains ni Vangie mula Pebrero 28 hanggang Marso 1, 2026 sa The Ascencion Columbary and Chapels sa 332 G. Araneta Avenue, Quezon City.

Details of Vangie Labalan's two-day wake in PH
Details of Vangie Labalan's two-day wake in PH

Read: Vangie Labalan's son recalls last moments of veteran actress

VANGIE LABALAN'S REAL NAME

Maria Christina Labalan ang tunay na pangalan ni Vangie, at isinilang siya noong Enero 20,1943 sa Bago City, Negros Occidental.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinuwento ni Vangie sa eksklusiboNG panayam ng Cabinet Files noong Marso 2024 na pitong buwan siya nang isilang.

At dahil sa akala na hindi siya mabubuhay, idinagdag sa kanyang pangalan ang Evangeline na “bearer of good news” ang kahulugan.

Read: Vangie Labalan: Unforgettable Bitter Showbiz Experience

remembering VANGIE's encounter with a mataray na aktres

Ang panghahamak sa kanya ng isang beteranang aktres na may mataray na imahe ang hindi malilimutan ni Vangie dahil naranasan nito na tarayan siya sa edad na 70.

"Sa harap ng lahat, nilait niya ako dahil kinuwestyon niya ang singit reactions ko sa eksena namin. She questioned some reactions I did on a scene with her.

"Niyakap ako ni Alessandra [de Rossi] and told me not to react,” ang pagbabahagi ni Vangie tungkol sa kanyang mapait na karanasan na nangyari sa set ng isang drama series ng GMA-7.

Ang panglalait kay Vangie ng beteranang aktres ang kauna-unahang pagkakataon na nakaranas daw siya na masita at mapagalitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng mapait at masakit na pangyayari sa kamay ng beteranang aktres, sinabi ni Vangie na mas marami pa rin ang mga artistang mababait at hindi pa niya nasusubukan na hindi igalang ng mga nakababata at baguhan na aktor.

Maraming taon na ang nakalilipas buhat nang mangyari ang panglalait kay Vangie ng aktres pero hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na muling magkita o magkasama sa mga proyekto sa pelikula at telebisyon.

“I never saw her again,” ang sabi ni Vangie tungkol sa veteran actress na aktibo pa rin sa pag-arte hanggang ngayon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibuburol ang cremated remains ng veteran character actress na si Vangie mula Pebrero 28 hanggang Marso 1, 2026 sa The Ascencion Columbary and Chapels sa 332 G. Araneta Avenue, Quezon City.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results