Ang prominent billing ng pangalan ni Xian Lim bilang direktor ng Project Loki ang mapapansin sa promo materials, opening, at closing credits ng original series ng Viva One.
Bida sa serye sina Dylan Menor, Marco Gallo, at Jayda Avanzado.
Hindi maipagwawalang-bahala ang billing ng pangalan ni Xian dahil mas malaki pa ito sa pangalan ng mga bida at supporting cast ng Project Loki.
Read: Why Sheryl Cruz, Romnick Sarmenta's teenage M.U. did not work out

Hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Xian sa pagpapahalagang ibinigay sa kanya bilang direktor ng proketo.
“Ay, naku po, hindi naman po. Hindi naman po.
"Baka ano lang… baka na-hatsing lang po yung nag-e-edit,” parang nahihiyang sabi niya.
Dagdag pa ng actor-director, ”Isang karangalan po to be given this project, Project Loki, yun lang po ang masasabi ko.”
Read: Boots Anson Roa-Rodrigo reveals convo with husband about their funeral plans
XIAN LIM ON SHIFTING FROM ACTIJG TO DIRECTING
Inamin ni Xian na kinakabahan siya sa special screening ng Project Loki na ginanap sa Cinema 16 ng Gateway 2 Mall noong Huwebes, Pebrero 19, dahil sa mga pinagdaanan nila ng mga artista at production crew para mabuo ang proyekto.
“We’re excited to see it. I am here for them.
"I’ve been through the ups and down so I want to share as much as I can sa kanila kaya I want each and every single one to shine.
“That’s my job to just dump everything I know sa kanila,” pahayag ni Xian tungkol sa mga ibinahagi niya sa cast simula nang mag-umpisa ang taping nila para sa Project Loki.
Ikinagagalak din ni Xian na bukod sa pagiging aktor, kinikilala na rin daw ang kakayahan niya bilang direktor na isang humbling experience para sa kanya.
“It feels great. I am very humbled na nangyayari ito.
"Hindi naman mangyayari itong nangyayari ngayon kung hindi ko pinag-aralan lahat, all the things that happened in the past.
“So we’re just very proud of our persistence and our hard work na maiso-showcase namin because all the people here in Project Loki are fans of the material.”
Bagamat nagdidirek na siya ngayon, hindi pa rin daw niya tinatalikuran ang pag-arte.
Aniya, "Dapat nandoon yon. It’s always gonna be there.
"Katulad po nito, nabigyan ng opportunity to direct a series, one hundred percent po yung ibibigay ko."
Nag-umpisa ang streaming Project Loki sa Viva One kahapon, Pebrero 21.
Read: Marco Masa, Carmelle Collado named last evictees of Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 2.0