Napansin ng mga nagmamasid ang malamig na pakikitungo ng aktor sa dati niyang kasamang TV host nang magkita sila sa studio ng isang television network.
Magiliw na bumati ang TV host sa lahat ng mga nakasama niya noon sa programa.
Yumakap at nakipagkuwentuhan ang TV host sa mga kaibigan na naging bahagi ng kanyang propesyon noong hindi pa siya lumilipat sa ibang TV network.
Pero nang lapitan ng TV host ang aktor para batiin, nakita at naramdaman ng mga tao sa paligid ang matamlay na trato sa kanya.
Matibay na ebidensiya ang nakunang video ng pagtatagpo ng dalawa.
Iisa ang obserbasyon ng mga nakapanood sa eksena: ang “cold treatment” na tinanggap ng TV host mula sa aktor na kilala sa pagkakaroon ng transparent na ugali.
Read: Vavavoom actress, natigil ang PHP2M monthly allowance mula sa government official
FORGIVEN BUT NOT FORGOTTEN
Posibleng hindi pa nakakaligtaan ng aktor ang mga isyung namagitan sa kanila ng TV host.
Maaaring nagpatawad na ng TV host ang aktor, pero hindi pa nito nakakalimutan ang mga naging aksyon noon ng TV host na dahilan para makatanggap ng mga batikos at paghuhusga ang aktor.
Hindi maatim ng aktor na makipagplastikan sa taong naglagay sa kanya sa sentro ng mga intriga at kontrobersya.
Read: Former actor Joseph Sytangco passes away at 71