PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rob Deniel at Lee Dae Won, bagong leading men ni Ashtine Olviga

Ashtine Olviga, ipinakilala bilang "Phenomenal Star" at "The Nation’s Mutya."
by Jojo Gabinete
Published Feb 25, 2026
ashtine olviga rob deniel lee dae won my melody
Viva actress Ashtine Olviga will be paired with (right photo) Korean singer Lee Dae Won and Filipino singer Rob Deniel in one of the episodes of her drama anthology in Viva One.
PHOTO/S: Studio Viva Facebook

Ang singer na si Rob Deniel at ang Korean singer na si Lee Dae Won ang mga kapareha ni Ashtine Olviga sa "My Melody," isa sa apat na kabanata ng kanyang drama anthology series na mapapanood sa Viva One simula sa Marso 2026.

Ang partisipasyon ni Rob sa "My Melody" ang kauna-unahang acting assignment niya.

Ayon kay Ashtine, marami itong natutunan mula sa mang-aawit na first-time actor.

“Nagkasama na po kami ni Rob sa music video niya before,” sabi ni Ashtine.

Read: DILG Sec. Jonvic Remulla, itinangging binantaan si Bulacan Gov. Daniel Fernando

May nakakaaliw ring kuwento ang Viva actress tungkol kay Rob.

Lahad niya: “Ang natutunan ko po kay Rob, yung songs niya, based on… halimbawa, yung kanta niya na sobrang sakit, akala mo tungkol sa ibang tao, tungkol pala sa pusa niya, sa aso niya na nawala.

“Sobrang galing niya. Sabi ko, 'Ha, talaga?'

"Puwede pala yon. Kailangan mo lang talagang ilabas ang creative side mo kaya walang imposible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun ang natutunan ko kay Rob."

Special guest si Ashtine sa The Rob Deniel Show, ang concert ni Rob na itatanghal sa Araneta Coliseum sa Biyernes, Pebrero 27, 2026.

Read: Did Edu Manzano hard launch new girlfriend at EDSA 40 prayer rally?

ASHTINE ON LEE DAE WON

Walang masyadong kuwento si Ashtine tungkol kay Lee Dae Won dahil sa kanilang language barrier, pero hanga raw siya sa ipinamamalas na determinasyon ng Korean singer.

“Hindi kami masyadong nagkakausap ni Lee Dae Won," sabi ni Ashtine.

"Pero yung willingness niya, kahit nahihirapan siya dahil sa language barrier, kahit marami ang instructions, nandun yung willingness niya and eagerness na gawin yung work.”

Read: K Brosas' daughter Crystal hits back at Alvin Aragon

ASHTINE OLVIGA'S ANTHOLOGY SERIES

Ang "Who’s The Boss?," "Bahay-bahayan," "Balik-Eskwela," at "My Melody" ang mga pamagat ng apat na kabanata ng anthology series ni Ashtine.

Lubos ang pasasalamat ni Ashtine sa home studio niya dahil sa proyektong ipinagkatiwala sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinakilala si Ashtine sa media conference ng kanyang drama anthology series bilang "Phenomenal Star" at "The Nation’s Mutya," mga titulong nahihiya siyang tanggapin.

“Parang kapag may mga ganyang puri, parang hindi po ako sanay,” sabi ni Ashtine.

“Na-awkward po ako. Parang mas gusto ko, sabihin mo na lang Ashtine Olviga.

"Yun na lang, ganoon na lang.

“Pero kung nakikita po na ganoon, siyempre thankful and grateful po ako na parang at last, naa-appreciate at nakikita po ako ng mga tao.

“Kung ganoon po ang tingin sa akin, sobrang nakakataba po ng puso.”

Read: Brent Manalo, Xyriel Manabat, Dustin Yu, Bianca De Vera: Checking In

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viva actress Ashtine Olviga will be paired with (right photo) Korean singer Lee Dae Won and Filipino singer Rob Deniel in one of the episodes of her drama anthology in Viva One.
PHOTO/S: Studio Viva Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results