PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Problemadong singer-actor, nangayayat at tumanda ang hitsura

Problemadong singer-actor, nirekomendahang sumailalim sa cosmetic surgery.
by Jojo Gabinete
Published Feb 26, 2026
blind item problemadong singer-actor
ILLUSTRATION: Chat GPT

Nagagalak ang mga nagmamalasakit na kaibigan ng singer-actor dahil unti-unti na itong lumalabas ng bahay at nagpapakita sa kanila.

Matagal nagkulong at nagmukmok sa tahanan ang singer-actor na dumanas ng matinding depresyon nang magkaroon siya ng malaking problemang may kinalaman sa pananalapi.

Dinamdam nang husto ng singer-actor ang pagsubok na pinagdaraanan kaya napabayaan niya ang sarili.

Nabigla ang mga kaibigan ng singer-actor nang makita ito.

Bukod sa nangayayat, tumanda ang kanyang itsura.

Matagal bago nakumbinsi ang singer-actor na asikasuhin ang sarili, huwag magpatalo sa problema, at lumabas ng bahay para masikatan ng araw at makalanghap ng sariwang hangin.

Read: Actress natigil ang PHP2M allowance mula sa government official

SINGER-ACTOR NIREKOMENDAHAN NG COSMETIC SURGEON

At dahil sa nag-mature na hitsura ng singer-actor, nais ng mga kaibigan niyang irekomenda sa kanya ang pagkonsulta sa cosmetic surgeon.

Malaki ang naitulong ng cosmetic surgeon sa isang entertainment personality na marunong mag-alaga sa pisikal na kaanyuan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matanda ng dalawang taon sa singer-actor ang entertainment personality pero mas bata itong tingnan, lalo na nang sumailalim siya sa blepharoplasty o plastic surgery of the eyelid.

Tanggap at alam ng entertainment personality na ang pagkakaroon ng maayos at maaliwalas na hitsura ang isa sa mga puhunan ng mga alagad ng sining kaya ipinaayos niya ang bumabagsak na talukap ng kanyang mga mata.

Positibo ang epekto sa entertainment personality ng blepharoplasty procedure.

Marami ang pumupuri at nakapansin sa bumatang hitsura niya na dapat tularan ng singer-actor na sobrang nagpapaapekto sa kanyang mga problema.

Read: Producer, hindi pa bayad ang utang sa entertainment personality

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results