Ang mahusay na character actor na si Archi Adamos ang isa sa mga pangunahing tauhan sa Pater Noster, ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Arron Villaflor at itatanghal sa mga sinehan simula sa Marso 25, 2026.
Mag-ama ang mga karakter na ginagampanan nina Archi at Arron sa Pater Noster, isang Latin na salita na "Our Father" ang kahulugan sa Ingles.
Kaya ang pagiging ama niya sa tunay na buhay ang itinanong sa 70-year old character actor.
"Medyo mabait din naman ako," ang natawang pahayag ni Archi, kasunod ang rebelasyon na may anak siya na miyembro ng LGBTQIA+ community.
"I have seven children. There are two girls. Actually, one girl is not a real girl. The rest are boys,” ani Archi.
"Balake" o pinagsamang babae at lalake, ang tawag sa kanyang anak.
Paliwanag niya: "No offense, I call her balake. She was a girl, as far as I’m concerned. She was a girl until she graduated high school."
Read: Alvin Aragon criticizes celebrity parents of LGBTQIA+ children
ARCHI ADAMOS ON COMING OUT STORY OF HIS DAUGHTER
Sa puntong ito ibinahagi ni Archi kung paano niya nalamang LGBTQIA+ member ang anak.
"But right after high school, nung pumasok na siya sa P.U.P. [Polytechnic University of The Philippines] parang nagkaroon ng gender shift.
"Siyempre akala ko, marami siyang dinadala sa bahay, mga friend na babae. Only for me to realize na yung iba pala dun, nanliligaw sa kanya.
"And then after sometime, after several years, iba naman yung kanyang dinala.
"Sabi ko, 'Sino naman ito ngayon?' Sabi niya, 'Girlfriend ko.'"
Diretso na raw niyang tinanong ang anak tungkol sa sexual orientation nito.
"'So ano ka ba talaga ngayon?' She mentioned to me a gender which I can no longer remember.
"So para bang, 'O sige, okay lang. Kung ano talaga yung gusto mo, dun ka. Importante, happy ka diyan and wala kang depressive stage.'
"Pero meron din siya, honestly speaking. She goes through that," kuwento ni Archi.
Read: K reacts to Alvin's remarks vs celeb parents with LGBTQIA+ kids
ON ACCEPTING HIS DAUGHTER'S SEXUAL ORIENTATION
Tanggap na tanggap ni Archi ang pagkatao ng anak at maganda ang relasyon niya sa mga miyembro ng LGBTQIA + community.
"I’m an LGBTQ believer, so somehow I really don’t mind which gender you’d take," saad ni Archi.
"In fact, I was even more surprised when she mentioned something about a gender, because she can be a girl and she can be a boy at the same time.
"Sabi ko, ‘Uy ang ganda nun. Para kang artista, puwede kang ganito.’”
Halos magti-thirty years old na ang anak niya.
Suportado ni Archi ang anak, dahil sa apat na dekada ng kanyang propesyon bilang artista, nakasama na niya ang lahat ng uri ng mga tao.
Paliwanag niya: "Ganito na lang po, 40 years, more or less na ako sa showbiz, so I’ve been with all genders.
"And somehow, I have accepted the fact na mas marami dito ang hindi mo ka-gender, pero they’re nice working with.
"My mentor-director was not a full female, not full male so accepted ko na po. Nakaka-work ko na nga sila nang maayos,” paliwanag ni Archi.
May sagot siya nang hingan ng payo tungkol sa pagpapalaki sa kanyang lesbian daughter.
Kaugnay pa rin ito ng isyung pagkuwestyon ni Alvin Aragon sa parenting style nina K Brosas, Gloc-9, at Ian Veneracion na may mga anak na kasapi ng LGBTQIA + community.
"It’s just to believe in what they say and for them to believe you as a father na iga-guide mo sila nang maayos.
"Magbibigay ka ng advice na sa tingin naman nila sensible or bagay sa takbo ng kanilang pag-iisip. Ganoon ang tingin ko.
"Best thing to do is just be yourself. Be honest, be truthful to them, because they see you as you are.
"They can see through you lalo na kapag nag-age nang konti," ang mensahe ni Archi.