Hindi na tatanggap ng sexy roles si Arron Villaflor.
Ito ang kanyang desisyon buhat nang mahalal siyang board member sa second district ng lalawigan ng Tarlac noong Mayo 2025.
Nabigyan ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Arron sa media conference ng pelikulang pinagbibidahan niya, ang Pater Noster, noong February 27, 2026, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Read: Iwa Moto vs. Hajie Alejandro: Who's telling the truth?

NO MORE VMX MOVIES FOR ARRON VILLAFLOR
Ayon sa kanya, hindi na siya gagawa ng mga sexy movies para sa VMX.
"No more sexy roles, galing na tayo diyan. I’ve been doing those things for almost two years, three years.
“Hindi na siya tulad nang dati. It’s not easy compared before. Right now, I have to choose my work,” ang pahayag ni Arron.
Read: Chinese star Zhang Yingfei nagulat na siya pala si Linda Walker
"VIDEO SCANDAL," part of smear campaign
Nilinaw din niya na walang katotohanan ang kumalat na balita tungkol sa diumano’y pagkakaroon niya ng video scandal.
Parte lamang daw ito ng paninira sa kanya noong panahong nangangampanya siya para mahalal na board member ng Tarlac.
“Ginamit pa yung ‘Arron, meron ka raw scandal.’
"Sabi ko, ‘Go! Ipakita ninyo sa akin. E, lahat nang ipinapakita nila, from my Vivamax projects.
"Ay naku, napakadami po [ng smear campaign]. It’s part of the political industry, so depende sa iyo on how you're gonna react."
Noon niya napagtanto na magkaibang-magkaiba raw talaga ang mundo ng politics sa showbiz.
"It’s a different world. In showbiz, somehow, good or bad publicity is still publicity, but when it comes to politics, if it’s bad, it’s really really bad,” ang sabi ni Arron.
Nakatanggap na ba siya ng pagbabanta sa kanyang buhay?
“Wala pa naman, nag-aantay nga ako."
Pero bashing? Marami raw.
Ayon kay Arron: "Since the campaign and up to now, ang dami kong nakikita sa comments, especially on my political social media platforms, na pakitang-tao raw ang mga ginagawa ko.
"Sabi ko, I don’t have to prove myself to you. I’m just a regular public servant of Tarlac, and I just have to to my work, yun lang.”
Ang pagbalik sa pag-aaral ang isa sa mga paghahandang ginawa ni Arron bago siya kumandidato.
Gusto raw niya kasing madagdagan ang kaalaman tungkol sa mundong papasukin.
"I actually went back to school before the campaign. I am taking up Masteral in Public Administration in Lyceum Northwestern University sa Dagupan City.
“It’s a two-hour drive from Tarlac, one and a half hour kapag mabilis ang biyahe.
"Hopefully, I will graduate this coming July 2026,” ang lahad ni Arron na aminadong malaki ang mga pagbabagong nangyari sa kanyang buhay mula nang maging pulitiko siya.