Kanselado ang boxing match sa pagitan ni Jimuel Pacquiao at ng Puerto Rican boxer na si Luis Santana Figueroa.
Mangyayari dapat ito ngayong Linggo, Marso 1, 2026 (Sabado ng gabi, Pebrero 28, sa U.S.) sa Turning Stone Resort and Casino, Verona, New York City.
Pero walang ibinigay na dahilan ang promoter ng laro, ang Manny Pacquiao Promotions, na pag-aari ng kanyang ama, ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Ang kanselasyon ng laban ni Jimuel sa U.S. ang tumapos sa pangarap ng mga tagasubaybay nila ng kanyang kapatid sa ama na si Eman Bacosa Pacquiao na magkaroon sila ng back-to-back victory.
Read: Who is Eman Bacosa, rising star of Philippine boxing?
EMAN BACOSA PACQUIAO'S MESSAGE FOR KUYA JIMUEL PACQUIAO
Nanalo si Eman sa boxing match niya with Indonesian boxer Reynold Kundimang na ginanap noong Sabado ng gabi, Pebrero 28, sa Bohol Cultural Center, Tagbilaran City.
Tinapos niya ang laban sa 4th round sa pamamagitan ng TKO ( technical knockout)
May positibong epekto ang hindi natuloy na laban ni Jimuel sa Amerika dahil naiwasan ang madalas na pagkukumpara ng publiko sa kanilang dalawa ni Eman.
Hindi pa alam ni Eman na kanselado ang boxing fight ni Jimuel sa Amerika nang magbigay siya ng mensahe para sa kanyang kapatid.
"Good luck sa fight mo, Kuya. Good luck po, nawa’y gabayan ka, protektahan ka ng Panginoon sa pagbo-boksing mo at i-guide ka niya sa victory.
"At always stay humble and keep on improving. Keep working hard, huwag kang magpadala sa mga sinasabi ng iba. Always pray to God. God bless,” ang sabi ni Eman.
Read: Mavy Legaspi explains reason behind "cringe" PBB hosting
EMAN BACOSA PACQUIAO'S SPECIAL GUEST
Lubos din ang pasasalamat kay Jillian Ward na bumiyahe sa Bohol para personal na suportahan ang laban ni Eman kay Kundimang.

Ipinagdasal daw ni Jillian ang tagumpay ni Eman, at ang pagpunta niya sa Bohol ang lalong nagpalakas sa mga haka-haka tungkol sa posibilidad na magkaroon ng espesyal na partisipasyon ang anak ni Manny sa action-drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan ng Kapuso actress, ang Never Say Die.
