PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dra. Belo, nabalitaan ang kanyang "pagkamatay" habang nasa Milan

Dra. Vicki Belo: “I just got news that I’m dead na.”
by Jojo Gabinete
Published Mar 2, 2026
dra. vicki belo milan fashion week
Dra. Vicki Belo assures the public that she is very much alive amid death hoax: “Ang dami ko naman na post galing dito [Milan]. I am well and happy. Just finished fashion week in Milan.”
PHOTO/S: @victoria_belo on Instagram

Buhay na buhay si Dra. Vicki Belo na biktima ng death hoax.

Dumalo si Dra. Belo sa Milan Fashion Week na nag-umpisa noong Pebrero 24, 2026 at magwawakas ngayong Lunes, Marso 2, 2026.

Kasama ni Dra. Belo sa Milan Fashion Week sa Milan, Italy, ang kanyang asawa na si Dr. Hayden Kho Jr.

Read: Here's the star-studded wedding entourage of Kim Molina and Jerald Napoles

Mabilis na nakarating sa kanila ang walang katotohanang balita na ikinalat sa social media ng mga mapag-imbentong content creator.

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Dra. Belo para mabigyang-linaw niya ang fake news, na pinaniwalaan ng ibang mga taong hindi nag-aaksaya ng panahong alamin ang katotohanan kaya madalas nagiging biktima ng mga mapanlinlang na social media news.

“I know. I just got news that I’m dead na,” pahayag sa Cabinet Files ni Dra. Belo.

Read: Chinese star Zhang Yingfei nagulat na siya pala si Linda Walker

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DRA. BELO'S SOCIAL MEDIA POSTS

Nagtakaw si Dra. Belo dahil sunud-sunod ang mga social media post niya tungkol sa pagdalo nila ni Hayden sa Milan Fashion Week, patunay na buhay siya.

Pero marami pa rin ang naniwala sa fake news na ikinalat ng mga mapagsamantala at walang konsensiyang content creators.

Sabi ni Dra. Belo: “Ang dami ko naman na post galing dito [Milan]. I am well and happy. Just finished fashion week in Milan.”

Ipinadala ni Dra. Belo sa Cabinet Files ang mga larawan at video niya na kuha sa Milan Fashion Week.

Ang mga ito ang matibay na pruweba na walang dapat ipag-alala ang mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya kaya hinding-hindi dapat paniwalaan ang mga kumakalat na balita sa social media na isang malinaw na death hoax.

Read: Alvin Aragon, inamin ang sexual experiences niya noon sa gays

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dra. Vicki Belo assures the public that she is very much alive amid death hoax: “Ang dami ko naman na post galing dito [Milan]. I am well and happy. Just finished fashion week in Milan.”
PHOTO/S: @victoria_belo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results