Si Itan Rosales, 21, ang kapareha ni Margaret Diaz sa remake ng Warat, ang pelikula nina Joyce Jimenez at Jomari Yllana na ipinalabas noong 1999.
Hindi pa ipinanganganak si Itan nang ipalabas sa mga sinehan ang Warat dahil isinilang siya noong Hunyo 28, 2004.

Si Joel Lamangan ang direktor ng Joyce-Jomari starrer, pero nakatrabaho na siya ni Itan noong 2023 sa VMX movie na Fall Guy.
Read: VIRAL: Bakit trending sa Pilipinas si Linda Walker?
Hinding-hindi malilimutan ni Itan si Joel dahil sa mga aral na natutunan niya mula sa award-winning veteran director.
Kuwento ni Itan sa Cabinet Files: “Nasigawan na niya ako noon, sobra po. Sa shooting yon ng Fall Guy.
"Sabi sa akin ni Direk Joel, 'Ano, tatanga-tanga ka! Gusto mo palitan na lang kita! Para kang tanga diyan!’
“Naka-microphone si Direk Joel pero nakasigaw pa siya. Hindi naman ako na-trauma kasi nasanay ako kay Nanay Len, ganoon din siya."
Ang tinutukoy ni Itan na "Nanay Len" ay ang kanyang manager na si Len Carillo.
Patpapatuloy ng VMX actor: “Pero pagkatapos ng take, kapag lunch break, ang bait ni Direk Joel.
"Nakakatuwa dahil nung third time na naka-work ko siya, isang beses lang niya ako napagalitan dahil sa blocking.
"Hindi pa naipapalabas yung movie pero sa Netflix daw ilalabas."
WARAT REMAKE
Si Christian Paolo Lat ang direktor ni Itan sa remake ng Warat.
Bago nagsimula ang kanilang shooting, pinanood daw muna niya ang pelikula nina Jomari at Joyce para magkaroon siya ng idea tungkol sa proyektong gagawin nila.

Saad ni Itan: “Unforgettable po sa akin ang Warat dahil sa mga action scene ko. First time kong magkaroon ng barilan scenes.
“Never pa po akong nagkaroon ng ganoong scene, at yun ang pinaka-challenging sa akin kasi first time ko.
"Tapos nakaka-pressure yung tutularan namin, sina Joyce Jimenez and Jomari Yllana.
“Nag-training ako sa paghawak ng mga baril. Noong mag-shoot kami, may director ng action scenes, paghawak ng baril.”
Read: Daniel Fernando, nagsalita na tungkol sa road rage incident
ITAN ROSALES' BEAUTY-PAGEANT EXPERIENCE
Minsan nang sumali sa isang male pageant noong 2023 si Itan.
Pero hindi niya ito itinuloy kahit nakapasa siya dahil hindi niya nagustuhan ang paglabas sa social media ng mga video ng kanyang pagsasayaw nang naka-boxer brief lamang.
Naghatid daw ito ng matinding trauma sa kanya.
Lahad niya sa Cabinet Files: “Bigla na lang akong pinasayaw na naka-boxer brief.
"Nung nakapasok na ako sa contest, hindi na ako tumuloy kasi ang daming nag-post ng naka-boxer ako tapos nagsasayaw ako.”
Hindi na sumali si Itan sa male pageant competition na tinutukoy nito dahil mas pinili niyang pumunta na lamang sa Japan at dumalo sa kasal ng kanyang pinsan.
Read: Facebook post ni Ron Angeles, reaction niya sa video scandal?
WORKING STUDENT
Malaki ang pagpapahalaga ni Itan sa edukasyon kaya hindi niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral sa Mapua University.
“Second year electrical engineering student po ako sa Mapua University.
“Tuluy-tuloy po ang pag-aartista ko pero hindi ko pinababayaan ang pag-aaral ko dahil ako na ang nagpapaaral sa sarili ko. Hindi na ako umaasa sa parents ko.
“Hindi ko po ipinapaalam sa mga kaklase ko na artista ko. Yung iba, namumukhaan ako.
"Inaamin ko naman kapag tinatanong nila. Pero kapag walang nagtatanong, hindi ko sinasabi.
“Kapag may nagtatanong, ‘Ikaw ba ito?’ Sinasabi ko, ‘Ikaw, ha, nanonood ka ng VMX!’”