PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arron Villaflor, biglang umakyat ang bilang ng IG followers

Arron Villaflor, tahasang itinanggi na mayroon siyang video scandal.
by Jojo Gabinete
Published Mar 3, 2026
arron villaflor
Actor-politician Arron Villaflor on his alleged video scandal: “Okay yan, nakakatulong sa akin. Alam mo sa panahon ngayon, you cannot really dictate whatever you want to that person kasi I really do believe na nobody can help you but yourself.”
PHOTO/S: Arron Villaflor Facebook

Mula sa 601K Instagram followers noong Sabado, Pebrero 28, 2026, umabot na sa 605K ngayong Martes, Marso 3, 2026, ang bilang ng mga sumusubaybay sa Instagram account ng aktor at Tarlac Second District board member na si Arron Villaflor.

arron villaflor ig followers
arron villaflor ig followers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagsasangkot kay Arron sa kontrobersiyal na leaked videos, na tinaguriang "The Big Four" video scandal, na pinagpipistahan ng publiko mula pa noong Sabado ang posibleng dahilan kaya nadagdagan ang bilang ng kanyang Instagram followers.

Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat

ARRON VILLAFLOR DENIES VIDEO SCANDAL

Isang araw bago pumutok ang kontrobersiya, nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Arron bago nag-umpisa ang media conference para sa Pater Noster noong Biyernes, Pebrero 27.

Ang Pater Noster ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Archi Adamos na mapapanood sa mga sinehan simula sa Marso 25.

Nang mapag-usapan ang diumano’y pagkakaroon niya ng scandal video — na itinanggi at pinagtawanan ni Arron dahil mula umano sa Vivamax movies na pinagbidahan ang mga eksena — sinabi ng actor-politician na nakakatulong ito sa kanya.

“Okay yan, nakakatulong sa akin. Alam mo sa panahon ngayon, you cannot really dictate whatever you want to that person kasi I really do believe na nobody can help you but yourself,” natatawang pahayag ni Arron.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang pagkakaroon niya diumano ng video scandal ang isa sa mga paninirang ginamit laban sa kanya nang kumandidato siyang board member ng second district ng lalawigan ng Tarlac noong Mayo 2025.

“Oo nga. Ginamit pa yon, 'O, Arron, meron ka raw scandal?’ Sabi ko, go! Ipakita ninyo sa akin.

“Lahat ng ipinapakita nila, Vivamax projects,” sabi ni Arron.

Hindi umano nakatanggap ng indecent proposals si Arron noong nagpapaseksi pa siya sa mga pelikula ng VMX, pero marami raw ang nagpapadala sa kanya ng mga mensahe.

“Wala naman [indecent proposals], pero maraming nagme-message sa Instagram, dini-delete ko na lang. Kasi sabi ko, hindi naman makakatulong sa akin ito,” muling natawa na sabi ni Arron.

Read: Arron Villaflor: "No more sexy roles."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-politician Arron Villaflor on his alleged video scandal: “Okay yan, nakakatulong sa akin. Alam mo sa panahon ngayon, you cannot really dictate whatever you want to that person kasi I really do believe na nobody can help you but yourself.”
PHOTO/S: Arron Villaflor Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results