Inamin ng aktres na si Gee Canlas na siya ang nakipaghiwalay sa mister niyang si Archie Alemania na hudyat ng pagwawakas ng kanilang walong taon na pagsasama bilang mag-asawa.
Pero hindi niya isiniwalat ang mga dahilan sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Martes ng hapon, Marso 3, 2026.
Tinanong si Gee kung may kinalaman sa paghihiwalay nila ni Archie ang acts of lasciviousness case na isinampa ni Rita Daniela laban sa asawa niya noong Abril 2025.
“I don’t think it’s one specific thing,” sagot ni Gee.
“It’s not a black-and-white, one-plus-one kind of situation. Overtime, nag-accumulate yung mga bagay-bagay.
"So, it’s a lot of pieces that eventually cause the demise of our marriage."
Read: Gee Canlas alludes to separation from Archie Alemania
GEE CANLAS ON ARCHIE-RITA LEGAL BATTLE
Tinanong ni Boy kung saan lumugar si Gee noong pinagpipistahan ng publiko ang kontrobersiya sa pagitan nina Archie at Rita.
“My family," mabilis na tugon ni Gee.
"I stayed, I really tried to fight to keep my family together ‘coz at that time, nasabihan ako na you have to be strong.
"So, ang nangyari was, I really didn’t have time to absorb it right away.
"Ang sa akin is, 'Okay, how do I save my family? How do I come through for my child?'
"So, the whole time that was happening I lied low, kept my head down and just zeroed in on my family."
Read: Archie Alemania, guilty sa isinampang kaso ni Rita Daniela
ON FILING FOR ANNULMENT
Ayon kay Gee, hindi pa siya naghahain ng annulment para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Archie.
Paliwanag niya: “Sa totoo lang, sobrang dami kong ano… what’s on my plate, right now my plate is literally loaded, so hindi pa siya top of mind.
"What I can say is, ang first priority ko is Caleb. Ang first priority ko is creating a stable background for him."
Si Caleb ang six-year-old son nina Gee at Archie.
Hindi naiwasan ni Gee na mapaluha nang magsalita ito tungkol sa pagtatapos ng relasyon nila ni Archie.

Pero bago naging emosyonal, sinabi niya: “I confirmed we’re not together anymore but that was not a decision I took lightly.
"It’s not something na parang on a whim, ginawa na lang. Nag-decide na lang nang ganoon.
“I made sure that I was at a point in my life na I was weighing already what matters most in my life kaya nandito tayo ngayon."
Dagdag pa ni Gee: "Pangarap ko po talagang magka-family so that was my life.
"For me to weigh on that na move forward and put an end to that is something that I am still processing till today.”
Read: Archie Alemania pleads not guilty in acts of lasciviousness case