PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne Curtis reunites with husband Erwan, daughter Dahlia in Oman

Anne Curtis, may mas mahalagang dapat pagtuunan ng pansin.
by Jojo Gabinete
Published Mar 3, 2026
anne erwan dahlian new year 2026
Actress Anne Curtis has finally reunited with her husband, Erwan Heussaff, and their daughter, Dahlia, in Oman after her flight from Milan to Dubai was forced to make an air return amid escalating tensions in the Middle East. In photo: Anne, Erwan, and Dahlia during their New Year holiday in Hokkaido, Japan.
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram

Hinihintay ng marami ang reaksiyon ni Anne Curtis sa kinokondenang pahayag tungkol sa kanya ni Quezon City Fourth District Representative Jesus Manuel Angel “Bong” Suntay.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice sa Kongreso tungkol sa pangatlong impeachment complaint laban kay Vice-President Sara Duterte nitong Martes, Marso 8, 2026, binanggit ni Suntay ang pangalan ni Anne.

Sinabi muna ni Suntay, bilang pagtatanggol kay Duterte, na wala umanong sedition o political destabilization nang sabihin ng bise presidente na siya ay isang "designated survivor."

Bahagi ng pahayag ni Suntay: “You know, yung statement being the designated survivor, it’s not illegal. It’s not criminal.

"In fact, it’s a process in the United States, mere utterance na 'I’m designating myself.' In fact, hindi nga puwede yon, e.

"Can you designate yourself without a process? Sinabi niya lang yon, siguro nagpapatawa lang siya [Duterte]."

Ginamit pang halimbawa ng politiko ang insidente kung saan nakita umano niya si Anne sa isang hotel upang idiin ang kanyang punto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Suntay: “Lastly, alam mo minsan, nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya.

"You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga. Na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari.

"Pero siyempre, hanggang imagination na lang yon.

“Pero hindi naman siguro ako puwedeng kasuhan dahil kung ano yung na-imagine ko, e.”

Dahil sa pahayag niyang ito ay binatikos nang husto ang kongresista mula sa Quezon City, hindi lamang ng netizens kundi pati na ang showbiz personalities at kapwa niya mambabatas.

Read: QC congressman, binatikos dahil sa komento tungkol kay Anne Curtis

CANCELLED FLIGHTS IN MIDDLE EAST

Pero may mas mahalaga at makabuluhang pinagkakaabalahan ang aktres—ang kanyang mister na si Erwan Heussaff at ang anak nilang si Dahlia na nagdiwang ng ika-anim na kaarawan kahapon, Marso 2, 2026.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na nagkaroon ng problema ang biyahe ni Anne patungo sa Dubai mula sa Milan, Italy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakansela ang lahat ng flights sa Middle East na epekto ng giyera sa pagitan ng Iran at ng nagsanib-puwersang Amerika at Israel.

Dumalo si Anne sa Milan Fashion Week at magkikita sila dapat ng kanyang mag-ama sa Dubai, UAE.

Pero sa kanyang Instagram story noong Linggo, Marso 1, ibinahagi ng aktres ang kuwento niya.

Post niya: "Was on my way to meet my little fam in Dubai when I noticed a high speed jet flying beside us.

“Next thing I knew, they announced we would be turning around and making our way back to Milan due to the airstrikes.

"all flights to the Middle East have been grounded."

Anne Curtis
Photo/s: Anne Curtis (Instagram)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Anne Curtis
Photo/s: Anne Curtis (Instagram)

Read: Anne Curtis’s Dubai flight diverted amid Middle East tensions

ANNE CURTIS REUNITES WITH ERWAN AND DAHLIA IN OMAN

Nagkita na sina Anne, Erwan, at Dahlia.

Ngayong Martes ng gabi, Marso 3, ibinalita ng ina ng aktres na si Carmen Curtis-Smith na magkakasama na sa Oman ang kanyang anak, manugang, at apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post ng ina ni Anne sa Threads (published as is): “Praise and thank you Lord. They together na Erwan n Dhalia n Anne. they safe na sila sa OMAN!!

"It was a nightmare sa kanina. Anne landed today sa OMAN.

"Keep them safe Lord till they get bck to Manila!!!”

anne curtis mother post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi naman ni Erwan sa Instagram Stories nito ang video at larawan ng pitong oras na biyahe nila ni Dahlia, sakay ng kotse, mula Dubai hanggang sa Muscat, ang capital city ng Oman.

Doon sila magtatagpo ni Anne.

erwan heussaff post
erwan heussaff post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang ang pamilya nina Anne at Erwan sa libu-libong pasahero na stranded sa Middle East dahil sa nagaganap na digmaan.

Ang naudlot na pagbalik ni Anne sa Pilipinas dahil sa tensiyon sa Middle East ang isa sa mga rason kaya nakansela ang victory party para sa The Loved One, ang blockbuster movie nila ni Jericho Rosales.

Read: Park Bom claims being a decoy for Sandara Park's alleged drug abuse

HOUSE COMMITTEE CONDEMNS SUNTAY'S SEXIST REMARKS ABOUT ANNE

Samantala, naglabas ng pahayag ang Committee On Women and Gender Equality ng House of Representatives sa mga naging pahayag ni Suntay tungkol kay Anne.

Kinondena nila ang sexist remarks ni Suntay sa pamamagitan ng official statement na inilabas ngayong Martes ng gabi, Marso 3.

May lagda ito ni Laguna 1st District Representative Ma.Rene Ann Lourdes Matibag, ang chairperson ng Committee on Women and Gender Equality.

Nakasaad sa kanilang statement: “Mariing kinokondena ng Committee on Women and Gender Equality ang mga pahayag ni Congressman Bong Suntay sa hearing ngayong umaga kaugnay kay Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ito simpleng biro o harmless na komento.

"Ang pagre-reduce sa isang babae bilang object of sexual imagination, lalo na sa isang opisyal na pagdinig, ay tahasang sexist at nakakahiya.

"Wala itong lugar sa anumang institusyong dapat nagtataguyod ng respeto at propesyonalismo.

“Public office demands discipline and accountability. Freedom of speech is never a free pass for misogyny.

"Hindi namin ito palalagpasin. Hindi namin ito ino-normalize.

"Patuloy naming ipaglalaban ang dignidad at karapatan ng kababaihan sa loob at labas ng Kongreso.”

press statement
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Park Bom claims being a decoy for Sandara Park's alleged drug abuse

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Anne Curtis has finally reunited with her husband, Erwan Heussaff, and their daughter, Dahlia, in Oman after her flight from Milan to Dubai was forced to make an air return amid escalating tensions in the Middle East. In photo: Anne, Erwan, and Dahlia during their New Year holiday in Hokkaido, Japan.
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results