Ilang araw nang nababanggit ang pangalan ni Nico Locco sa kontrobersiyal na isyu ng alleged leaked private videos ng ilang male showbiz personalities.
Ito ay dahil sa mga screenshot ng larawan niyang lumalabas sa social media at sa mga komento ng netizens na nag-aabang sa paglitaw ng maselang video na inuugnay sa kanya.
Kasalukuyang nasa Bali, Indonesia, si Nico para sa isang bagong proyekto.
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
NICO LOCCO ADDRESSES ALLEGED VIDEO SCANDAL
Ngayong Miyerkules, Marso 4, 2026, nakipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files para alamin ang reaksiyon niya tungkol sa kontrobersiyal na usapin na pinagpipistahan ng publiko.
Saad niya: “Oo nga, nakikita ko yung mga comments ngayon circling around online and on my social media platforms.
"May video daw na lalabas soon with me involved in it.
"Siyempre, nagulat ako sa umpisa dahil nakita ko ang isang screenshot with my face in it with a girl na similar sa mga other sex videos going around at the moment."
Hindi maitatanggi ang pagkabahala ni Nico nang itanong ng Cabinet Files ang kanyang nararamdaman sa parang time bomb na naghihintay ng pagsabog ng video anumang oras na diumano’y kinasasangkutan niya.
“I’m at a loss of words with it all, honestly," pag-amin ni Nico.
"Pero kung may lalabas na sex video with me in it, hindi ko sasabihin na hindi ako yon.
"If it’s me, it’s me, ganoon. I will own up to it.
"I am not one who backs out of the truth."
Read: Arron Villaflor, biglang umakyat ang bilang ng IG followers
Kasunod nito, ipinahayag ni Nico na hindi siya pabor sa ginawa umano ng babae sa kumakalat umanong video scandal sangkot ang ilang male celebrities.
Naging matapang at matapat ang Italian-Canadian actor-model sa paglalabas ng tunay na nararamdaman sa "betrayal" na ginawa umano sa kanya.
Pahayag niya: “I do want to add though that hindi okay ang ginawa ni girl.
"I met someone consensually and shared a private moment with her.
"A moment na wala akong knowledge that I was being videotaped and the whole time may balak si girl.
"This is betrayal and, even more, considered a crime."
Read: TRENDING: "The Big Four" sa reality show at sa video scandal