PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tatlong biktima sa leaked video scandal, pare-pareho ang kuwento

Mga suspek sa pagkalat ng private videos, dapat managot sa batas.
by Jojo Gabinete
Published Mar 5, 2026
blind item biktima video scandal
ILLUSTRATION: Chat GPT

Ang pang-i-stalk at paulit-ulit na pagpapadala ng mapang-akit na mensahe sa mga kalalakihang natitipuhan ang modus ng hindi pa nakikilalang mga babae na sangkot at inaakusahang palihim na kinunan ng video ang kanilang pakikipagtalik.

Kasalukuyang pinagpipistahan sa iba’t ibang social media platforms ang leaked private videos ng mga nasabing babae.

Nakausap ng Cabinet Files ang tatlo sa mga kalalakihang naging biktima ng panlilinlang ng mga babaeng kanilang pinagkatiwalaan.

Pare-pareho ang kuwento nila.

Ayon sa kanila, nakuha ng mga suspek sa pagkakalat ng maselang video ang mga atensiyon nila dahil sa paulit-ulit na pagpapadala ng mensahe sa kanilang mga Instagram account.

At dahil sa mga provocative message na natatanggap, napukaw daw ang kanilang mga interes at pinagbigyan ang imbitasyong bisitahin nila ang mga babae sa condominium unit na kanilang tinitirhan.

Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat

VICTIM NO. 1: THE model

Unang nakausap ng Cabinet Files ang isang modelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kanya, hindi na siya nakaatras nang puntahan niya ang babae — na pinaghihinalaang gumagamit ng filtered photos — sa condo unit nito.

Rebelasyon ng isa sa mga biktima: “When I saw her, ibang-ibang ang itsura niya sa IG at sa personal. Mas maganda siya sa pictures niya sa IG.

"I met her sa condo unit niya sa Mandaluyong City."

Nakunan ng video ang modelo dahil, lingid sa kanyang kaalaman, may hidden camera na nakatutok habang nagtatalik sila.

Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo

VICTIM NO. 2: THE showbiz personality

Ang mga sunud-sunod na mensahe ng babae sa Instagram account ng isang male showbiz personality ang nag-udyok sa kanyang makipagkita nang personal.

Nagyaya raw ang male showbiz personality na magpunta sa motel, pero tumanggi ang babae.

Ipinagpilitan daw ng babae puntahan na lamang siya ng showbiz personality sa condominium unit na kanyang tinitirhan.

Nang kumalat ang video ng kanilang intimate moments, saka napagtanto ng male showbiz personality na pinilit siya ng babae na magkita sila sa condo unit dahil sa nakahanda pero nakatagong video camera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: TRENDING: "The Big Four" sa reality show at sa alleged video scandal

VICTIM NO. 3: THE ACTOR

Nakilala naman daw ng biktimang aktor ang babae dahil sa mga mensaheng ipinadala nito sa kanyang Instagram account.

Inamin ng aktor sa Cabinet Files na siya ang lalaki sa video na nagdulot umano sa kanya ng matinding trauma dahil walang-wala sa isip niyang nakunan ng video ang kanilang mga pribadong sandali.

Nang pumutok ang isyu tungkol sa mga leaked intimate videos noong Sabado, Pebrero 28, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa aktor para sa reaksiyon nito tungkol sa mga bagong biktima ng babae.

Pero tumanggi siyang magsalita dahil ayaw na raw niyang balikan ang hindi magandang pangyayari na naghatid ng trauma sa kanya.

Magaling mag-imbestiga ang netizens kaya inaasahang isa sa mga araw na ito, posibleng matukoy at makilala ang identity o pagkakakilanlan ng mga suspek na may dapat panagutan sa batas dahil sa paglabag sa Republic Act 9995 (The Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Facebook post ni Ron Angeles, reaction niya sa video scandal?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results