Simula bukas, Marso 6, 2026, "Misty" at hindi na Elay ang pangalan ng Wilyonaryo dancer na pinag-uusapan ngayon sa social media.
Ito ay matapos ang kanyang blooper sa game-variety show ni Willie Revillame ngayong Huwebes, Marso 5.
Dahil sa epekto ng kabang nararamdaman niya, sa halip na "tiket" ay ibang salita ang nasabi ng dancer.
Bahagi ng spiel ni Elay: “Happy Thursday everyone, Luzon, Visayas, at Mindanao! Hawakan ang mga t*t*... hawakan lang ang mga ticket at tumutok sa Wilyonaryo."
Elay ang palayaw ni Yllesylle Dalian, na mainstay dancer ng noontime game show ni Willie na napapanood sa Wil TV (Cignal Channel 10), pati sa official Facebook at YouTube page ng nabanggit na Wilyonaryo.
Read: Tatlong biktima sa leaked video scandal, pare-pareho ang kuwento
ELAY'S BLOOPER MOMENT THAT MADE HER A TRENDING TOPIC
Nakaguhit sa palad ni Elay na mapansin ng publiko at mag-trending sa social media matapos siyang isali ni Willie sa isang segment ng Wilyonaryo.
May dalawa nang female co-hosts na kasama si Willie, pero tinawag nito si Elay para isali sa naturang segment.
Dahil sa matinding kaba, ang pribadong bahagi ng katawan ng lalake ang nasambit ni Elay nang sabihan ito ni Willie na batiin ang manonood.
“Sorry po,” paghingi ni Elay ng paumanhin dahil sa kanyang hindi sinasadyang pagkakamali.
Tinakpan din niya ng kamay ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan, pero maagap na sinabi ni Willie, “Hawakan ang mga tickets, that’s right” habang natatawa.

Isang eyewitness ang nagsabi sa Cabinet Files na hiyang-hiya si Elay sa nangyari at halos hindi makalabas para umuwi mula sa studio ng Wilyonaryo sa Wil Tower, Quezon City.
Hindi raw sanay si Elay na pinag-uusapan, lalo na nang malaman niyang trending siya sa social media.
May pulso si Willie sa mga baguhang nakikita niyang sisikat.
Napatunayan na ito sa mga nangyari kina Tekla, Herlene Budol, at marami pang iba na nag-umpisa ang mga showbiz career sa mga nakaraang programa ng TV host.
Alam ni Willie na ikasisikat ni Elay ang hindi sinasadyang pagkakamali nito sa live telecast ng Wilyonaryo.
Dahil likas na witty o matalino sa pagpapatawa, si Willie ang nakaisip na palitan ang pangalan ng dancer na makikilala na sa bagong screen name na Misty (with pun intended).
Read: QC congressman, binatikos dahil sa komento tungkol kay Anne Curtis