Ang mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Arjay Gonzales, 29, ang panawagan ng kanyang ina, mga kaibigan, at ng Department of Agricultural and Applied Economics ng University of the Philippines sa Los Baños, Laguna.
Si Arjay ay commercial model, aspiring actor, at co-host sa online game show na Bingo Plus.
Kabilang siya sa dalawang nasawi sa pamamaril na nangyari sa basketball court ng Azure Urban Resort Residences sa Parañaque City, noong Miyerkules ng gabi, Marso 4, 2026.
May apat na iba pang nasaktan dahil sa insidente.
Hindi pa inilalabas ng mga imbestigador ang pangalan ng akusadong may edad na 59, gumamit ng face mask, at may suot na baseball cap nang pagbabarilin niya ang mga naglalaro ng basketball.
Hindi pa nahuhuli ang suspek na pinangangambahan ng mga residenteng baka bumalik sa kanilang lugar at muling maghasik ng lagim.
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
ARJAY GONZALES'S MOTHER CRIES FOR JUSTICE
Nakaburol ang mga labi ni Arjay Gonzales sa tahanan nila sa Calamba City, Laguna.
Sa panayam ng ABS-CBN News sa kanyang ina, umapela itong mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa anak na nangangarap maging artista.
Naglabas din siya ng hinaing dahil hindi raw agad nalampatan ng lunas ang kanyang anak.
“Nung mangyari po yon, ang laki pa ng kanilang pagkukulang. Pinabayaan nila ang anak ko.
"Marami po ang nag-witness na nagkukuwento sa akin na 30 to 40 minutes daw po na hindi nadala ang anak ko na sana nalapatan ng lunas.
“Hanggang ngayon po, hindi man lang sila nagri-reach out para po sa kung sinuman ang gumawa nun sa anak ko at sa iba pa pong mga kasamahan.
"Sana po makonsyensya na kayo. Sumuko na kayo,” nagdadalamhating pahayag ng ina ng biktima.
Read: GMA Public Affairs refutes MTRCB claim about Lost Sabungeros
UPLB B.S. AGRICULTURAL ECONOMICS STATEMENT ON ARJAY'S DEATH
Si Arjay ay nagtapos ng kursong B.S. Agricultural Economics sa University of the Philippines Los Baños University (UPLB) noong 2020.
Sa mensahe ng pakikiramay ng Department of Agriculture and Applied Economics ng UPLB, nakiisa sila sa panawagan na agarang hustisya para sa nasawi.
Nakasaad sa inilabas nilang pahayag: “Arjay D. Gonzales, who finished his BS Agricultural Economics degree in 2020, died in a shooting incident last Wednesday, March 4, 2026.
"According to Nicolas Piñon, Chief of Parañaque Police Station, the gunman is still being sought by the police.
“The UPLB Department of Agricultural and Applied Economics stands with the public in condemning gun violence and calling for justice. The Department offers our sincerest sympathies to the family of Arjay Gonzales."
AZURE ASSURES VICTIMS AND THEIR FAMILIES ITS FULL SUPPORT
Sa ulat ng GMA News ngayong Biyernes, Marso 6, sinabing may outstanding warrant sa suspek para sa kaso ng homicide na nangyari noong 2023.
Kinumpirma ng National Capital Regional Police Office ang arrest warrant mula sa Branch 153 ng Taguig City Regional Court na petsang Hunyo 16, 2023.
Iniulat din ng GMA News na suportado ng Azure Property Management ang imbestigasyon at operasyon na ginagawa ng mga pulis.
Ang Azure Property Management ang namamahala sa residential area na pinangyarihan ng krimen.
Nangako rin sila ng tulong sa mga biktima at pamilya ng pamamaril.
“We are extending our full support to the victims and their families, coordinating with the proper channels to ensure they receive the necessary care and attention during this difficult time,” bahagi ng pahayag ng Azure Property Management na inilabas ng GMA News.
Read: Jasmine calls out journalists for allegedly “laughing” during interview with Suntay